CHAPTER 20

129 8 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Daisy's point of view

Naglakd lakad lang kami pagkatapos naming kumain para bumaba na agad iyong kinain namin. Kadami kassi naming inorder kanina. Kailangan na talaga naming mag gym niyan.

Nung mga 5 pm na, nagtataka kami kung bakit biglang dumami iyong mga tao dito sa isla pero hindi na lang namin pinansin. Nagtingin tingin na lang kami ng mga pwede naming bilhin as a souvenir. Gustong gusto ng mga ganito nila mama eh. Collection nila.

Dahil din sa pagtitingin ko, hindi ko namalayan na nahiwalay na ako sa kanila. Pero hinayaan ko muna kasi siguradong nasa malapit lang naman sila.

Bumababa na iyong araw kaya medyo madili dilim na. Tapos na din ako mamili kaya nagdecide akong hanapin sila.

Pero ilang minuto na ako palakad lakad, hindi ko pa rin sila nakikita. Kinuha ko na lang iyong phone ko para tawagan sila pero natigilan ako nung biglang may humawak sa akin.

---

Maria's point of view

7:54 na ng gabi.

Nakaupo kaming lahat habang hinihintay na mag start iyong pageant na magaganap ngayon. May event pala kaya madaming tao ang nandito ngayon.

Nag aalala din kami kay Daisy kasi hindi pa din namin siya nakikita simula kaninang namili kami. Tinatawagan din namin siya pero hindi niya sinasagot. Hinayaan na lang namin siya. Baka kasi gusto niya lang talaga ang mapag isa.

Napatingin ako sa may likod. And I saw the boys. Napamura ako sa isip ko dahil sa bwisit ko sa kanila. May mga kasama ba naman kasi na mga babae hipon na kasarap pugutan ng ulo at ipakain sa pating iyong katawan nila. Makalapit sila sa kanila daig pa ang linta tapos iyong mga lalaki naman, gustong gusto nila.

Subukan moa ko lapitan mamaya Miguel! Papatayin kita!

Pero akala nila sila lang ang merong kasama? Kami din.

Inilapit ko din iyong sarili ko sa lalaking na bingwit ko kanina at kinausap siya na may pang lalandi na mata. Meron ding nabingwit na lalaki sila Gail maliban kina Camille, Sunny, and Macy. Mga good girl eh. Buti pa si Glenda, hindi KJ.

Nilalandi ko lang itong katabi ko na sa tingin ko a gustong gusto niya naman nang biglang namatay iyong ilaw.

Mag iistart na mga beshy. Rinig kong excited na sabi ni Sunny. Hilig niya talagang manood ng mga ganito. Ayaw nga naming manood kanina, pnilit niya lang kaming lahat kaya pumayag kami. Nakita rin naming nandito iyong mga lalaki kaya pumayag kami. Kalalandi kasi nila kaya mag lalandi din kami.

Lalo na ako.

Nag salita na iyong host. Inexplain niya muna kung ano iyong cinecelebrate ngayon tapos nag dasal din bilang pasasalamat. Iyong na daw kasi ang last na contest ngayong araw. Next year na daw ulit magaganap ito.

"Lets welcome the candidates for Miss Isla Monueva!"

Dahil duon isa isa nang nag silabasan iyong mga candidates pero hindi namin makita iyong ga mukha nila dahil naka suot sila ng mga mask.

"Ano namang trip nila? Ano iyan iyong katawan lang iyong ijajudge nila?" Takang tanong ni Gail.

Oo nga naman kasi. Bakit sila naka mask? Pero kagaganda ng mga katawan nilang lahat. Hindi sila pareparehas ng mga kulay. May mga mapuputi, kayumanggi at maiitim pero maganda iyong katawan nilang lahat.

But there is a girl got my attention.

"Tignan mo iyong candidate number 20. Siya iyong pinaka magandang katawan." Sabi ni Gail sa akin na sinang ayunan ko.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon