CHAPTER NINE

172 9 0
                                    

CHAPTER NINE

Kyles point of view

Tama ba ang narinig ko? Sinabihan niya ba ko ng gago? Nag mumura na rin siya?

"Bakit anong narinig mo?" Tanong ni Daisy habang nakapamewang.

"Sinabihan mo ba ako ng gago? Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Oo. Sinabihan mo akong tanga kanina edi sasabihin kong gago ka." Sagot niya na hindi man lang iniisip kung ano ang lumalabas na bibig niya.

Napahinga ako ng malalim.

Hindi na talaga siya ang Daisy na kilala ko. Ang dating Daisy ay hindi kayang mag mura. Hindi ko pa nga siya nakitang mag middle finger noon dahil feeling niya daw puputulin ni Jesus iyong daliri niya kug ginawa niya iyon at masusunog daw ang dila niya kapag magmumura daw siya.

Pero ngayon iba na talaga.

sumeryoso ako at tinignan siya ng deretso na may disappointment na emosyon sa mata.

"Nag-mumura ka na rin pala. Ganiyan na ba talaga kalaki ang pinagbago mo Daisy?" Dissapointed kong sabi sa kanya ng hindi pinuputol ang titigan namin.

Ngumiti lang naman siya at maya maya biglang tumawa. Baliw na din ba siya?

Ilang segudo muna bagos iya tumigil tumawa pero maya maya naging seryoso din siya at tinitigan ako sa mata.

"Hindi mob a naaalala Kyle? Tumira ako sa Barcelona ng ilang taon. At ang ilang taon na iyon ay sapat na para magbago ako. Bakit ikaw Kyle?!" Sabi niya at medyo nagulat ako dahil sa pagsigaw niya sa pangalan ko.

Pero ako daw? Bakit ako?

"Akala mo ba ako lang ang nagbago? Mas malaki ang pinag bago mo! Hindi pa ako umaalis! Nasa Pilipinas pa lang ako, Nagbago ka na!"

Hindi ko alam kung anong ibig sabhin niya, pero hindi ako makapag salita dahil ramdam ko ang galit niya. Mga tingin niya palang sa akin, alam kong galit na siya.

Pero bakit siya galit sa akin? At anong nagbago sa akin?

"Hindi kita maintindihan Daisy. What do you mean na nagbago noon?" Tanong ko sa kanya na gusto ko nang malaman ang sagot pero hindi siya kumibo at tumalikod na lang at naglakad pabalik sa mesa.

Pero bago pa siya makalayo, tumigil muna siya at may sinabi sa akin nang hindi humaharap.

"Paki buhat na lang iyang lalagyan ng mga alak. Tama nga siguro iyong sinabi mong tanga ako kaya ikaw na ang magbuhat at magdala duon." Sabi niya at pinag patuloy ang pag lalakad.

Wala naman akong nagawa kaya binuhat ko iyong cooler mag-isa.

Kabigat!

Ilang bote ba ang nilagay niya dito?

---

Daisy's point of view

Bwisit talaga siya!

Ang sarap niya pagsasampalin!

Binilisan ko na ang paglalakad pabalik sa mesa namin dahil gusto ko na maialis ang pag kabadtrip ko ng dahil kay Kyle.

Umupo na ako at nakipagsabayan sa mga kwentuhan ng barkada.

"Nasan na iyong mga inumin Daisy? Akala ko ba kukunin mo?" Tanong ni Kuya Miguel.

Halos lahat mga ata at kuya ko sila. 32 na si ate Macy, next naman sila ate Sunny at kuya Dean na 31, sila ate maria, ate Gail, kuya Miguel, kuya Charles, kuya Jerome at kuya Billy naman ay 30 years old na tapos sila Jolly, Gorge at Camille naman ay ka age ko lang na 29 pero mas matanda pa rin ako sa kanilang tatlo ng ilang buwan at si Glenda naman ang pinaka bata sa amin na 27.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon