CHAPTER 34

142 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

Narrator's point of view

"Really? Nakita niya iyon?"

Hindi makapaniwalang napatingin ang lahat ng kaibigan ni Kyle sa kanya ng dahil sa sinabi niya. Ang expect nila ay magugulat siya at maghihisterical para ang matawagan si Daisy at makapagpaliwanag. But hindi. Kabaliktaran ang nangyari.

Parang wala lang sa kaniya na nakita ni Daisy iyon.

"Akala ko ba mahal niya si Daisy? Bakit ganiyan iyan ngayon?" Takang bulong ni Russle kay Angelo.

"Hindi ko din alam." Sagot ng lalaki at nagkibit balikat pa.

"May pinagawayan ba kayo ni Daisy? Kasi ang sabi niya hindi naman daw kayo nag away." Tanong ni Mike kay Kyle.

Tumawa naman ng mapait si Kyle.

"Baliw na ata siya." Bulong ni Angelo pero napadain siya nung sikuin siya ng dalawang katabi niya na si Russle at Kurt.

"Dont mention her name Mike." Sabi ni Kyle na nasasaktan. "That woman. Shes cheating on me." Sabi niya at natawa nanaman.

"Baliw na talaga siya tignan niyo oh." Bulong na sabi na naman ni Angelo at nakatanggap na naman siya ng siko sa magkabilaang gilid ng katawan.

"Bakit mo naman nasabing niloloko ka niya?" Si Justin na ang nagtanong kaya napatingin si Kyle sa kaniya.

"She has a fucking fiancé already. Engage na siya." Nasasaktan na sabi nito.

"Are you sure na meron na talaga? Kasi base sa mga kwento sa akin ni Macy, Daisy is not that kind of girl. Hindi siya manloloko and nakita ko kung gaano ka niya kamahal."

At dahil sa sinabi ni Justin. Napatanga si Kyle. Hindi lang pala si Kyle. Lahat sila. Ngayon lang nag salita ng ganiyan kahaba si Justin tapos nasheshare pa siya ng opinion niya!

Minsan lang ito mangyari! Once a blue moon lang kung baga.

"Nakita mo rin naman ang pagmamahal niya saiyo diba or nagbubulag bulagan ka? Sana tinanong mo muna si Daisy tungkol diyan sa nalaman mo hindi iyong bigla bigla ka na lang magagalit at iinom na may kasamang babae. Thats being a jerk dude."

Gusto mang pumalakpak at lokohin ni Kurt si Justin but he knows that this is not the right time to tease him.

Walang gustong mag salita pag katapos ng mahabang sinabi ni Justin. Iyong iba hindi lang makapaniwala na nagsalita si Justin ng ganoong kahaba but si Kyle, napaisip si bigla ng dahil sa mga sinabi ni Justin.

"And tumawag pala si Miss Monteverde kanina." Sabi ni Mike kaya napatingin si Kyle sa kaniya.

"Anong sabi niya?" Seryosong tanong niya sa lalaki at hinhintay ang sagot.

"Hindi daw talaga fiancé ng kuya niya si Daisy. Magkaibigan lang daw sila at nagkasundo na magpanggap na mag kasintahan dahil prinepressure ng pamilya Monteverde ang kuya niya. At nung nagpanggap silang engage, tinigilan na siya ng pamiya niya." Pag eexplain ni Mike na ikinanganga niya.

"So, you mean hindi talaga ako niloko ni Daisy?" Naguguluhang tanong ni Kyle sa kanila.

"Yes. At ng dahil sa kagaguhang ginawa mo, ikaw na ang lumabas na mang loloko ngayon asshole."

Sinamaan ng tingin ni Kyle si Russle na agad naman nagiwas ng tingin. Kanina pa kasi siya nito minumura.

Agad agad na kinuha ni Kyle ang phone niya at sinubukan na tawagan si Daisy but nakapatay na iyon at hindi niya macontact.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon