CHAPTER 3

28.5K 862 133
                                    

CHAPTER THREE

Blood


Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking mga kamay at mas malakas pa sa ingay ng mga busina, sigawan at karambola ng mga sasakyan ang naging pagkalabog ng aking puso.

The air smells blood and fear. Dama ko ang malagkit na bagay sa aking likuran, buhok, maski sa aking mga kamay at hawak na camera pero ang katawan ko ay hindi makagalaw. Ni hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mabagal ng pagproseso ng aking utak sa nangyari.

I feel like my world is spinning slowly. Ang mga sigawan ay unti-unting nawala sa aking tenga at napalitan ng nakakabinging katahimikan. My heart is pounding inside my chest and my mind is screaming so loud. Nakakabingi!

Gustohin ko mang magtakip ng aking tenga pero hindi ko magawa. Sa nanlalabo kong paningin dahil sa pagkawala ng aking mga luha ay mas lalo akong hindi na nakagalaw. Ramdam ko ang pagdiin at pagbigat ng bawat hugot ko sa aking paghinga na parang mayroong taling nakapulupot sa aking leeg para pigilan ako sa ginagawa.

I can't breathe but I need to breathe... Breathe Karsyn... Breathe...

Sa nanghihina at tuliro kong pagkatao ay nagawa kong igalaw ang aking kamay para sana takpan ang aking mukha pero bago ko pa tuluyang mailapit iyon sa akin ay sunod ko nalang naramdaman ang pagyakap ng kung sino sa akin at ang paghila ng mabilis palayo sa aking kinatatayuan!

Nanatiling bukas ang aking mga mata habang nasasaksihan ang pag-ikot at dahan-dahan naming pagbagsak sa simentadong kalsada kasabay ng mas malalakas pang ingay ng mga sasakyan sa aking likuran.

Napangiwi ako ng hilahin ako sa kasalukuyang oras dahil sa marahas na paglagapak ng aking tagiliran na hindi na naiwasan ng kung sino mang humila sa akin.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking buong pagkatao dahil sa matinding takot at kalituhan sa bilis ng mga pangyayari.

I want to scream but I couldn't. Maging ang boses ko ay iniwan na rin ako kasabay ng lakas ko. Napakislot ako't napapikit ng mariin nang muling marinig ang sigawan ng mga tao. Kumawala na ang aking mga hikbi.

Sa pagpikit ko't pagdilim ng aking paningin ay muling umulit sa aking utak ang mala-anghel na mukha ng babaeng kanina lang ang buhay pa't nginitian ako... Naramdaman ko ang patuloy na pag-ikot ng aking utak. Ang pag-ikot ng lahat ng aking katinuan kasabay ng dumadagundong na kaguluhan.

Habang lumilipas ang segundong nakasadlak kami ng kalsada ay mas nagiging magulo ang paligid. I'm sure of it. Sigurado rin akong hindi lang iisa ang nasaktan. Marami pa. Maraming marami pa kabilang na ako at ang taong kasama ko.

When I realized that I am with someone, a manly scent invades my sense of smell. Natalo ng kanyang bango ang amoy ng dugo na kumalat sa kabuuan ng lugar pero ang kaguluhan at ingay sa paligid namin ay hindi natigil. The thought of hugging a man aside from my father did not concern me. Sa pagkakataong ito ay wala na akong maisip kung hindi ang mga huling sandali ng babaeng kanina lang ay masaya pa.

Is she... Kumawalang muli ang aking mga hikbi ng maisip iyon dahilan para mas humigpit ang yakap ng lalaki sa akin.

"I'm sorry..." A baritone voice murmured gently as pulls me closer to his chest.

Nanatiling pikit ang aking mga mata at wala ng lakas ang aking buong katawan kaya naman hindi na ako nakapag-reklamo sa kanyang ginawa. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib kasabay ng pag-angat ng aking mga kamay patungo sa aking tenga.

"Are you okay?" Bulong niya sa akin pero hindi ako nakahugot ni isang salita para sagutin siya.

"Hey..."

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon