CHAPTER FORTY FIVE
Where He Belongs
Everything went well. Ang date at panunuod nila ng sunrise ay naging maayos at masaya akong dahil doon ay nagkaroon pa silang dalawa ng pagkakataong magkakilanlan.
"Move closer, Asher!" natatawang hiyaw ko habang pinapaurong ito sa tabi ni Zydney upang kunan sila ng picture.
Naiilang man pero sa pagpupumilit ko ay nagawa nilang maglapit gaya ng aking utos.
"Perfect!"
"Now it's my turn to take pictures of you two!" nagmamadaling lumayo si Zydney kay Asher at ipinagtulakan ako sa tabi nito.
Napadiin ang aking mga labi ng maramdaman ang agarang pagpulupot ng kamay ni Asher sa aking bewang habang ipinapakita ang maganda view sa resort bago namin ito lisanin. Ngayong araw, pagkatapos ng ginagawa ay tutulak na kami patungong Northern Luzon habang si Zydney naman ay babalik na rin sa Manila. Marami na kaming nakaplanong gagawin lalo na ang pagbisita sa mga Aetas pero mas ikinai-excite ko ay ang muling pagbabalik ni Zyd next week para muli kaming samahan.
Matapos ang kuhanan ng litrato ay hindi na rin kami nagtagal. We bid our goodbyes at tumungo na sa kanya kanyang destinasyon.
Eros:
Good to know na malalayo na kayo kung saan malapit ang mga Zisneros.
Igo:
Bro, totoo. Baka next vlog ni Karsyn may murder nang naganap eh! Hahaha!
Zake:
Mr. Right or Mr. Killer?
Gerald:
Selos na selos, bro! Kitang kita naman. Grabe talaga ang pag-ibig!
Trystan:
Humanap ka kasi ng sa'yo. Inggit na inggit ka na.
Hindi ko mapigilang matawa habang sinusulyapan si Asher na seryosong nakatuon ang tingin sa daan at nagmamaneho.
"Hmm?"
Umiling ako.
"Nothing. I'm just reading their conversation." ipinakita ko sa kanya ang aking teleponong laman ang group chat kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Let me guess, sinisiraan na naman ako?"
Napahagikhik ako at umiling.
"Hindi naman."
"These jerts. Can you tell them na mamaya na ako pag-usapan? I'm busy."
Marahan naman akong tumango bago bumalik sa aking telepono pero hindi ako kaagad nakapag-type dahil naaliw ako sa pagbabasa ng mga sumunod nilang mensahe.
Eros:
Parang siya hindi naiinggit!
Trystan:
I'm not.
Sergio:
Si Trystan maiinggit? Eh araw-araw nasa tabi si Raffy.
Ivan:
So kayo na rin talaga?
Trystan:
Are you really asking me that?
Lance:
Fuck boy alert.
Trystan:
Wow, congrats! You're not late this time!
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...