CHAPTER 35

12.8K 663 132
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

Shattered


Ilang beses umulit sa aking ang sinabi ng babaeng humawi sa kamay ko. Pakiramdam ko ay nagsugat ang kamay ko sa ginawa niya dahil kahit na mabilis lang 'yon ay alam kong malalim ang naging marka nito hindi sa katawan ko kung hindi maging sa puso't isip ko.

Hindi ako nakagalaw. Parang ang katawan ko ay mabilis na sinimento at ang bibig ay tinanggalan na ng karapatang magsalita.

"What are you doing here?" matigas, malakas at nakakabinging tanong ni Asher sa babaeng ngayon ay nasa kanyang tabi.

Nang subukan niyang hawiin ang kamay rito at hawakan ako ay muli siyang hinila ng babae palayo.

"Oh, baby! Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Why are you here? At bakit may kasama kang iba?"

Napaatras ako ng lingunin ako ni Asher. Hindi naman umuulan pero nanlalabo ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay isang segundo pang mananatili ako rito habang binibigyan ng awa ng mga taong nakapalibot sa amin ay mahihimatay nalang ako bigla.

My heart... I can't breathe... Nasapo ko 'yon.

"Karsyn–"

"It's okay, Asher," putol ko sa kanya habang pilit na ngumiti kahit pa nanginginig na ang mga labi.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong magsalita at sambitin ang pangalan niya sa kabila nang pagtarak ng matalim na bagay patungo sa kailaliman ng aking puso.

"It's okay." ulit ko sabay atras ulit.

I'm shaking. I can feel my heart breaking, shattering... Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. He has a girlfriend? Pero bakit? Bakit niya ginawa sa akin lahat ng 'to? Bakit niya ako gustong ligawan kung may kasintahan na siyang iba? Bakit pinaniwala niya ako sa lahat?

Nakagat ko ang aking labi nang maisip ang mga salitang pinaniwalaan ko. Sabi niya mahal niya ako 'di ba? Pero kung totoo 'yon, bakit may ibang babae sa buhay niya? Babaeng mas nauna pa sa akin?

"Karsyn, let me explain–"

"Oh, please, Asher!" punong puno nang kasarkastikuhang sabi ng girlfriend niyang si Megan habang nakangisi at tinititigan ako gamit ang mga matang tanging awa at pandidiri lang ang nakapaloob.

"Shut up, Megan!"

Umatras akong muli. Gusto ko nang tumakbo. Gusto ko nang lumayo. Gusto kong humingi ng saklolo dahil baka kapag hindi ko pa ginawa ay kung ano na ang mangyari sa akin but I couldn't lift my feet anymore! Tila mas bumigat iyon kaysa sa puso kong nawawasak ngayon.

Humalakhak ang babae at humakbang palapit sa akin. Umangat ang gilid ng labi niya at hindi hinayaan si Asher na mailayo siya sa harapan ko. Lumakas ang mga bulong bulungan sa paligid, nabibingi ako.

"His plan was successful, tama ako?" matalim niyang inilakad ang kanyang mapanuring mga mata simula sa aking ulo hanggang paa at pabalik ulit. "Sa hitsura mo, mukhang in love ka na sa boyfriend ko. Hindi na ako nagtataka. Lahat naman ng babae ay baliw na baliw sa kanya kaya kung pati ikaw naloko niya, naaawa ako sa'yo."

"Shut up, Megan!"

Doon na tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang paghigpit ng kamay ni Asher sa kanyang braso ngunit hindi siya nagpapigil. Ang kaninang pangmamaliit lamang at pagkutya niya sa aming sitwasyon ay nadagdagan na ng galit.

"He just used you to get revenge Karsyn at naniwala ka naman! You ruined his life! You made everything in him public and you know how he hates it! Ikaw ang may kasalanan kaya nasira ang buhay niya at ito ang ganti niya!"

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon