CHAPTER TWENTY SIX
Sunrise
Hindi ko alam kung paano ako nakakain ng maayos pagkatapos ng narinig sa kanya. Everyone is clueless about what happened. Though nakaraos ang masayang umagahan ng walang nakakapansin sa pag-aalburoto ng puso ko ay hindi naman iyon nawala.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na muna kami sa kanilang tatapusin ang trabaho para sa araw na ito pero hindi nila hinayaang mag-isa kami ni Zydney.
My heart is pounding so much that I needed to take breaks in between. Kahit na kasi hindi naman ako kinakausap ni Asher ay sapat na ang presensiya niyang guluhin ako. Mabuti na nga lang at naroon si Zydney para palakasin ang loob ko dahilan para matapos namin ang lahat ng maayos.
"Chill, Karsyn... Huwag mo namang ipahalatang naaapektuhan ka kay Asher."
"Hindi ha." depensa ko sabay iwas ng tingin.
"Leviticus 19:11," napapikit na ako nang marinig iyon. "You shall not steal, nor deal falsely, nor lie to one another."
Hinawakan ko ang kamay niya bago pa kami makaibis pabalik sa beach front para daluhan ang mga kalalakihan.
"Am I that obvious?"
Matamis siyang ngumiti sa pag amin ko.
"Hmm, not that much but I can feel it."
"Do you think the guys notice it too?"
Nagkibit siya ng balikat at hinawi ang buhok ko patungo sa likod ng aking balikat.
"Relax ka lang, okay? You're so stiff lalo na sa last video."
"Sorry."
Isinukbit niya ang kamay sa aking braso.
"It's okay! I understand. Hindi ko akalaing mas gwapo pa pala talaga siya sa personal kaya naiintindihan kita." I smiled at that.
Kung tutuusin ay maayos naman akong makitungo sa kanila. Kahit likas na mabait at talagang gwapo si Asher ay hindi ko binibigyan ng malisya ang lahat ng ginagawa niya para sa akin pero ang marinig mismo sa labi niya ang mga salitang na-miss niya ako? I don't know kung kaya ko pang isawalang bahala 'yon.
Nagpatuloy si Zyd sa pagpuna sa mga panlabas na katangian ng magkakaibigan na alam na alam kong mga tipo niya rin. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap ng ganito kaya kahit na may malisya para sa kanya ang mga lalabas sa labi ko ay hindi naman ako nagsinungaling.
"He's a good looking guy. Lahat naman sila ay maganda sa paningin kaya oo. He's attractive." I answered.
Kasalukuyang nasa dagat ang mga lalaki habang kami naman ni Zyd ay umahon na muna para inumin ang dalang buko juice ng dalawang waiter para sa grupo namin. Lumawak ang ngiti niya.
"Ikaw? Do you find him attractive too?"
"Well," umayos siya sa lounger at ipinukol ang titig sa lalaking pinag-uusapan namin. "I can see your future with him and that makes him more attractive. Bukod sa bagay kayo dahil parehas kayong magagandang tao sa loob man at labas, tama rin ang mga kaibigan niyang may chemistry'ng nabubuo sa inyo. You look so lovely together."
Ngumiti ako pero hindi ko mapigilang malasahan ang lungkot doon sa hindi malamang dahilan. Hindi natuloy ang topic namin dahil sa pagdating nila Sergio. Maya maya pa ay umahon na rin ang lahat kaya muli nila kaming naukopa.
I remember talking to Jacob pero hindi nagtagal ay napalitan na iyon ni Asher at hindi pa man ito nakakapagsalita ay nagsialisan na rin sila't lumipat sa hindi kalayuan para maglaro ng beach volleyball kasama si Zydney.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...