CHAPTER 47

12.4K 660 144
                                    

CHAPTER FORTY SEVEN

Death


"Anong oras na kayo natapos noong isang gabi? Hindi ko na kasi naabutan si Zyd na bumalik sa kwarto. I fell asleep." tanong ko kay Asher imbes na ungkatin ang nangyari kanina.

Dahil hindi kami makatulog pagkatapos ng nangyari sa dalampasigan ay minabuti kong pukawin nalang ulit ang katahimikan.

Pumihit ako paharap sa kanya at nakita siyang nakatitig lang sa bubong ng tent. Matagal siya bago nakapagsalita.

"It was just a quick dinner."

"How was it? Okay lang ba? Did she thank you?" kumurap-kurap ako dahil gusto kong malaman ang lahat ng napag-usapan nila pero ang tuwang unti-unting namumuo sa aking puso sa isiping walang nasabi si Zyd sa kondisyon ko ay agad napawi nang harapin niya ako pagkatapos ng ilang minutong pananahimik.

"Yeah." tipid niyang sagot.

"Good! Are you excited for her to be back?"

Gaya kanina, ang mga titig niya sa akin ay muling tumagal pero hindi naman ako nabigo dahil sinasagot niya pa rin ako sa kabila ng kanyang pagiging seryoso.

"Yeah."

Pinagdiin ko ang aking mga labi at positibo siyang nginitian.

"What do you think of Zydney?"

Nakita ko ang bahagyang paniningkit ng kanyang mga mata pero mabilis ring nawala. Ang aking titig ay nalaglag nang abutin niya ang kamay ko.

"I think your cousin is great," pormal niyang sagot. "But you don't have be our matchmaker, Karsyn."

Napaawang ang aking bibig dahil sa narinig. Pakiramdam ko'y bigla akong binuhusan ng malamig na tubig dulot ng kahihiyang mabilis kumalat sa aking kabuuan. He knew. Alam niya ang lahat ng ginawa ko? The thought made me bit my lower lip.

"You don't have to push me away, baby... Dahil kahit anong gawin mo, ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko na kahit ipilit mo ako sa iba, hinding hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. Ikaw lang, Karsyn... Kung hindi rin lang ikaw, ayaw ko nang magmahal pa."

Pakiramdam ko'y may sumapak sa akin ng malakas dahil sa narinig. Ni hindi ako nakagalaw at nakahinga ng maayos dahil wala akong maapuhap na salitang dapat kong isagot sa kanya. Gustohin ko mang kumbinsihin siyang huwag gano'n ang nasa isip niya pero alam kong lalawak lang ang usapan namin at baka mapunta pa kami sa parteng ayaw ko munang ungkatin.

Imbes na sumagot ay lumapit nalang ako sa kanya. Maagap naman niyang sinalubong ang aking katawan upang yakapin rin ng mahigpit. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa ganoong pwesto pero paggising ko ay maliwanag na.

Madali akong napabalikwas ng maalalang may usapan nga pala kami ngayong manunuod ng sunrise pero mukhang imposible na 'yon dahil mataas na ang araw. Ilang minuto lang akong nag-ayos at agad nang lumabas ng tent. Ang mga tent na mga nakaayos kagabi sa hindi kalayuan ay wala na at mukhang ang sa amin nalang ang natitira.

Wait, where is he?

Bago pa ako magwala at magsulat sa buhanging ng help me para ma-rescue ng mga sasakyang panghimpapawid ay mabilis nang sinagot ang aking tanong. Awtomatiko akong napapihit sa gawi nang dagat na umingay gawa ng pag-ahon ng kung sino.

I immediately swallowed hard when I see Asher got out of the water. Dama ko ang agarang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi ng makita ang kanyang katawang walang damit pang-itaas. Oo nga at ilang beses ko na rin naman iyong nakita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga mapigilan ang mamangha sa ganda ng kanyang matipunong pangangatawan.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon