CHAPTER 49

13.1K 578 47
                                    

CHAPTER FORTY NINE

Never An Option


Mas naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib nang hindi siya magsalita. Kusang bumagsak ang mga mata ko sa kamay kong nakahawak sa kanya dahil nanghihina akong titigan ang kanyang mga mata. I don't know what he was thinking and I'm scared to know it.

Inangat ko ang isa kong kamay para punasan ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi pa ito nagtatagal sa aking mukha ay naramdaman ko na ang paggalaw ng kanyang kamay papunta sa aking baba. Marahan niya iyong inangat para hulihin ang aking mga mata. Napasinghap ako ng haplusin niya't pawiin ang mga likido sa aking magkabilang pisngi.

Sa kabila ng kalasingan at kalungkutan ay nangibabaw ang pag-intindi niya sa akin. Hindi gaya kanina na hindi matanggap ang mga sinabi ko. Pinigilan kong mapapikit nang ikulong niya ang aking mukha gamit ang kanyang mainit na mga palad. I saw him swallowed multiple times habang nag-iisip ng mga tamang salita upang isagot sa akin.

"Leaving you was never an option," my heart ache at that. Pinilit kong manatiling nakatitig sa kanya habang hinihintay ang kanyang mga sunod na sasabihin.

"Leaving you will be the hardest part of this journey and that is something I can never do. Hinding hindi kita iiwan, Karsyn. Hinding hindi lalo na ngayong alam kong mahal mo ako. Mahal na mahal mo rin ako." madamdamin niyang litanyang dahilan ng hindi ko na paghinto sa pagluha.

"Asher–"

"Ipagpapatuloy natin 'to. Sasamahan kita hanggang dulo dahil naniniwala akong mali ka. Naniniwala akong maraming paraan para hindi ka mawala sa akin. You can't die and leave me. Hindi ka pwedeng mawala dahil hindi ko kakayanin," rinig ko ang unti-unting pagkabasag ng aking puso habang nakikipagtitigan sa mga mata niyang lumuluha na rin.

Imbes na sumagot ay pumikit nalang ako. Imbes na kontrahin siya ay gusto ko nalang ring maniwala sa mga sinabi niya. Gusto kong paniwalaan ang lahat maging ang dulong siya ang kasama kahit na mas malinaw ang pagkatok ng realidad ngayon.

"I wouldn't let you die. Hindi ako papayag na iwan mo ako. I will stay where you are at kahit anong gawin mo, hinding hindi ako aalis. Dito lang ako. Dito lang ako sa tabi mo." pinal niyang sabi kaya wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang siya.

It was the longest and sleepless night of my life. Buong gabi hanggang sa lumiwanag at tumila nalang ang ulan ay gising na gising pa rin ang diwa ko. I'm glad that Asher is drunk. Dahil kasi doon ay nakatulog siya kahit pa marami kaming napag-usapan kagabi.

Simula nang sabihin ko kay Zydney, kay Daddy hanggang sa kanya ang tunay kong kondisyon ay hindi na ako nakapag-vlog ng maayos. Nahihiya rin akong magpatuloy lalo na't sa kabila ng kasiyahang ipinapakita ko sa harapan ng camera ay may malaki akong suliranin na hindi pa handang ibahagi sa kanila.

Ngayon palang na iniisip ko ang magiging reaksiyon ng mga taong sumusuporta sa amin ay nalulungkot na ako. Napakurap-kurap ako ng muling bumalik ang aking mga mata sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi.

I found myself touching his face. Kahit natutulog, kitang kita at dama ko pa rin ang bigat ng kanyang puso dahil sa mga nangyari. Kung pwede ko nga lang pawiin ang lahat. Kung pwede ko lang baguhin ang kapalaran ko ay gagawin ko pero wala akong kapangyarihang gawin 'yon. Ang kaya ko lang gawin ay ipagdasal ang lahat ng mabuti para sa kanya. I pray that he would have an open mind to accept everything. Sana rin maipagpatuloy niya ang lahat ng kanyang nasimulan dahil iyon ang makabubuti sa kanyang sarili at sa kinabukasan.

Sa pagpikit ko ay nagsimula akong manalangin hindi lang para sa kanya kung hindi para na rin sa lahat ng mga mahal ko sa buhay na hirap pa ring tanggapin ang lahat. Sa haba ng panalangin ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon