CHAPTER THIRTY SEVEN
Truth
Iniwan ni Asher ang plane tickets sa reception na hindi na namin tinanggihan. He's not texting or calling me. Ayaw ko rin naman siyang i-text kaya umalis nalang kami ng Siargao nang walang paalamanan sa isa't-isa.
"I'm still mad at him. Gusto ko na ring magalit sa'yo pero hindi ko naman magawa." komento ni Zyd habang nasa eroplano kami.
"Hindi mo naman talaga kayang magalit sa akin."
Tumawa siya at inismiran ako.
"Kaya ko kung kakailanganin. I don't want you to get hurt again. Oo naiintindihan ko namang may dahilan siya pero hindi biro ang ginawa niya sa'yo. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi mo pa ang lahat ng 'yon pagkatapos ng lahat. Are you really sure na kaya mo siyang pakinggan?"
"Gusto kong malaman ang lahat ng dahilan niya. Alam kong meron."
"Huwag kang magpapaloko. Be wise."
"Of course."
Marami pang sinabi ni Zydney at ipinaalala hanggang sa makarating kami ng Bicol. Isa na doon ang sasakyan kong nakauwi na sa bahay namin ilang linggo pagkatapos naming iwan ni Asher.
"Hindi ba talaga tayo uuwi sa Manila? I need to be home on Thursday."
"Kaya ko nang mag-isa sa Thursday." sagot ko.
Bumagal ang pag nguya niya sa tanghaliang aming pinagsasaluhan sa bagong resort na tinutuluyan pero hindi ko siya inintindi.
"Kailan mo ba talaga balak umuwi?"
"Zyd, kahit may nangyaring hindi maganda, kailangan ko pa ring magpatuloy."
Nalungkot ang kanyang mukha.
"Pero hindi ko na yata kayang iwan kang mag-isa, or iwan ka knowing na nandiyan si Asher nakasunod sa'yo."
"Zyd, please? I don't want to talk about what happened. Kahit ngayon lang. Gusto kong bumalik sa pagta-trabaho bukas at ipagpatuloy ang lahat ng ito kahit na wala siya."
Nakita ko ang pagtutol sa kanya ngunit sa huli ay wala na ring nagawa.
Isang araw, dalawa, hanggang sa sumapit ang pangatlo na pinilit kong magpatuloy sa kabila ng kali-kaliwang katanungan tungkol kay Asher. Mabuti nalang at nariyan si Zyd para sagutin ang mga nag-aalala para sa akin. Hindi kami gumawa ng live video. Maliban sa travel vlogs at mga pagbisita sa ilang charities ay wala na kaming ibinahagi sa mga supporters. Si Asher naman, simula nang umalis kami sa Siargao ay hindi na siya nagparamdam.
Nang sumapit ang pang apat ay hindi ko na napigilang maapektuhan sa napakaraming mga masasakit na salitang kumalat para kay Asher sa internet. Kahit na hindi 'yon para sa akin ay hindi ko naiwasang malungkot.
Everyone is calling him names. Ang galit ng lahat at disappointment ay damang dama ko. Ang ibang mga dummy accounts ay tini-threatened pa siyang huwag makikita dahil talagang sasaktan nila ito. I was saddened by that na kahit hindi ko na siya nakita ulit at baka kasinungalingan lang ulit ang mga sinabi niya noong huli naming pagkikita ay nagawa ko pa ring depensahan siya.
"Stop... Just stop the hate, the anger, everything. Everyone makes mistakes at kahit na maraming nasaktan sa nangyari, wala tayong karapatang husgahan ang isang tao. Wala tayong karapatang ibaba pa siya kung nasaan siya,"
Inayos ko ang camera para mas makipagtitigan doon.
"This is what I hate about the internet. Mabilis sumunod ang mga tao sa bugso ng damdamin ng nakararami. Kapag nagkamali ka ng isang beses, wala ka ng halaga sa lahat. Ang lahat ng mga nagawa mong mabuti ay mabilis mabura sa mga utak nila dahil lang sa isang pagkakamali. I'm not being hypocrite. Inaamin kong nasaktan ako dahil ako ang involve dito and you're entitled to your own opinion but don't make the situation worst. Asher doesn't deserve all the hate and I'm sure he has his own reasons why he did that kaya bigyan natin siya ng pagkakataon. He is not a bad person. Marami siyang napasaya and don't let anger makes you forget that," malungkot akong ngumiti pagkatapos ng mahaba kong litanya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...