CHAPTER THIRTY TWO
Fate And Destiny
He won. He always won.
Tahimik ako't pasulyap sulyap kay Asher na ngayon ay abala pa ring nagmamaneho ilang oras nang makaalis kami sa resort. Simula kanina ay wala siyang ibang tanong kung hindi ang pagiging kumportable ko. Ilang beses niya ring sinabi na matulog na muna ako pero mas marami ang tanong niya kung nagugutom na ako and I will always reply that na hindi, komportable ako at hindi rin inaantok dahil iyon naman talaga ang totoo.
Huminto lang kami matapos ang halos dalawang oras para kumain pero pagkatapos ay diretso na ulit. Malayo man ang naging biyahe namin pero marami kaming napag-kwentuhan nang matanggap ko na ang desisyon niya kaya hindi kami nabagot sa isa't-isa.
It took us two hours from Cebu to Bohol via roro. Instead of staying inside the air conditioned cabin, we decided to stay outside. Bukod sa mga driver's ng delivery truck at ilang pribadong sasakyan ay wala na kaming kasabay kaya wala masyadong tao sa sasakyan.
"Why? May dumi?" nahihiya kong pinunasan ang mukha ko nang mapansing ang matagal niyang pagtitig sa akin.
Umiling siya at inayos ang sarili. Itinuon niya ang kanyang mukha sa malawak na dagat kaya ako naman ang nagkaroon ng pagkakataong masuri ang kanyang gwapong mukha.
"Asher, can I ask?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nilingon niya ulit ako.
"What is it?"
"Why do you like me?" hindi ko alam kung paano ko iyon naitanong pero hindi ko na rin mabawi.
Muli, tumagal ang titig niya sa akin na tila ang mga mata ay gusto na ring gamitin para ipaliwanag ang sagot sa tanong kong 'yon.
"I don't know, Karsyn. I just feel it."
Nanatili akong nakatitig sa kanya, tikom ang bibig.
"Do you really need answers? Because I can't give you that. Basta ang alam ko at ramdam ko ay gusto kita. Gustong gusto..."
"Y-You mean, walang dahilan? Parang nakatadhana lang na magustuhan mo ako?" I applaud myself after saying that kahit na nauutal na naman ako sa kaba.
He nodded. "I don't believe in fate and destiny but that's all I could think of whenever I see you," lumamlam ang kanyang mga mata matapos ang unang sinabi.
Parang gusto kong matawa sa narinig. Noon, mayroon ring parte ng buhay kong hindi ako naniniwala sa mga bagay na 'yon but when my life moves forward, sobrang dami kong natutunan.
"I don't believe in so many things but you made me realized that there's really someone out there who's plotting everything for us. You make me believe in things that myself didn't even bother to think before,"
Nalaglag ang mga mata ko nang maramdaman ang kanyang kamay na humawak sa akin ngunit nang magpatuloy ay muling bumalik ang titig ko sa kanyang mga matang ngayon ay nangungusap.
"I've never like someone so much Karsyn but you made me like you more than I like cars to think that I've only known you for months... It's fast, mabilis pa sa pagmamaneho ko sa tuwing nasa karera ako pero kahit nakikita kong maraming barikadang nakaharang at haharang pa sa pagitan natin ay wala akong balak na huminto. I will never stop pursuing you."
Gusto ko pa sanang magtanong pero sapat na ang mga narinig para tumigil.
"And I don't expect us to be like this," sagot ko naman. Mabilis kong sinulyapan ang ngayo'y magkahawak na naming mga kamay. "Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo. Kung anong sasabihin ko dahil wala akong alam lalo na sa ganito. I'm still learning, Asher... Sa buhay, sa mundo, maging ang sarili ko ay gusto ko pang kilalanin and that's my priority," nakita ko ang marahan niyang pagtango kasabay ng determinasyon intindihin ang bawat linyang binitiwan ko.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...