CHAPTER THIRTY ONE
Together
"Asher!" hindi ko nagawang kumurap ng makita ang mabilis na pagbagsak niya sa tubig pero ni isa ay walang gumalaw sa kanyang mga kaibigan para man lang saklolohan ito.
"He's crazy!" si Davos sa kabilang dulo.
Napakapit ako kay Jacob kaya napabaling siya sa akin.
"Jacob, do something!"
Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero iyon ang ginawa niya.
"Relax, Karsyn. He is fine. He will not do it if he can't." hinawakan niya ang kamay ko pero wala talagang ginawa kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman.
No one is jumping off the water to save him! Ilang segundo na kasi ang lumipas pero wala pa ring lumilitaw na Asher! Hindi na ako mapakali kaya gumalaw na ako ngunit nang akmang tatalon na ako para languyin ang lugar kung saan siya bumagsak ay mabilis akong napigilan ni Eros.
"Don't think about it, Karsyn. He is fine. Let's just wait and see."
"W-Wait? But... But he's not..." nanatiling malakas ang kalampag ng puso ko habang nililingon ulit ang pwestong binagsakan ni Asher na ngayon ay mapayapa na!
Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga sasabihin pero natutop ko na ang aking bibig nang marinig ang paggalaw nang tubig kasabay ng pag-ahon niya roon. Dumaloy ang magaan na pakiramdam sa aking kabuuan ng makita siyang maayos at buhay na buhay!
Kahit na hindi na siya kailangang puntahan ay parang gusto ko pa ring languyin ang distansiyang namamagitan sa amin para lang pagalitan siya. Iyon nga lang, naging imposible 'yon nang makita ko ang marahang pagkurba ng kanyang labi na animo'y nanalo ng kung ano sa ginawang pagpapakaba sa akin!
Lumangoy siya palapit sa amin pero nang umahon ay muli akong napalunok. Samo't sari ang naramdaman ko. For the first time in a long time, nakaramdam ako ng inis. I was scared. Sa taas nang tinalon niya ay hindi iyon biro at totoong delikado pero anong ini-expect ko? Nakalimutan kong he is Asher Miguel Vergara Tan, ang lalaking alam at kayang gawin ang lahat.
"Bakit nananakot ka?" I spat at him using my angriest voice pero hindi ko narinig ang galit sa boses ko maging iritasyon dahil sa pag-alon nito.
His smirk widened at that. Maybe because I look angry but I sounded like a cute puppy. Na sa sobrang cute ay nawalan na ng karapatang magalit.
"Are you scared?"
Naiiling ang mga lalaki at natatawa na lang rin habang tinatapik siya sa balikat at nagsipaghanda na ulit bago umalis.
"Of course, Asher. Ang taas no'n tsaka sabi ni Kuya delikado ang pagtalon." patuloy kong subok na pagalit sa kanya pero walang pagsisising namutawi sa kanyang mukha.
I should thank the odds for keeping me angry kahit na hindi niya ako siniseryoso dahil nawawala ang atensiyon ko sa ngayo'y basa at nakabalandra niyang katawan sa aking harapan. He was topless. Kung hindi ako galit ay pinuri ko na ang katawan niya lalo na't nasipat ko ang hulmang hulma niyang mga abs. Siguro kung hindi ako naiinis ay nanghingi na ako sa kanya ng work out plan because he is holy fit! If I wasn't mad, I would ask him to be my personal trainer too!
Ipinilig ko ang aking ulo nang lingunin niya ang guide na ngayon ay malaki na rin ang ngiti.
"Daghang salamat, bai." aniya rito na sumaludo lang sa kanya bago sundan ang mga lalaking naglalakad na palayo.
"What was that for?" imbes na sagutin ay isinuot niya lang ang kanyang puting t-shirt habang nasa harapan ko at pagkatapos ay kinuha ang backpack na nakasabit sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...