CHAPTER 15

18.5K 815 147
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Forgiveness


Nakita ko ang paglaglag ng kanyang panga dahil sa narinig. Hindi siya gumalaw kaya inulit ko ulit.

"Luhod sabi."

"Dude, you need to follow her." si Jacob na kahit alam na kabaliwan ang gusto kong ipagawa sa pinsan ay wala ring magawa dahil iyon ang gusto ko.

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga ng harapin niya ito. Nagkibit ng balikat si Jacob saka naglakad sa tabi ng mga lalaki na tila sinasabing hayaan nalang kaming dalawa ni Asher rito. Nakuha naman ng mga lalaki ang gustong mangyari ni Jacob kaya isa-isa na silang gumalaw para bumalik sa kani-kanilang sasakyan.

Nang mawala sila ay muling bumaling sa akin ang triggered face ni Asher Miguel. Inangat ko ang kanang kamay ko sa kanyang harapan pagkatapos ay ikinumo ito maliban sa aking hintuturo para ituro ang lupa.

"Luhod na, Asher. Nagpatalo ka 'di ba? Then do what I ask you to do. That's part of the deal."

Umiling siya habang patuloy na nakikipagtitigan sa akin ang mukha niyang parang gusto na akong saktan dahil sa mga inuutos kong nagiging dahilan ng pagbaba ng dignidad niya.

Pakiramdam ko ay nagbunyi ang lahat ng mga kaluluwang nasaktan ni Asher maging ang sa akin ng makita ang dahan dahang pagluhod niya sa aking harapan! Kahit na gusto ko sanang dalawang tuhod niya ang nakatukod sa aspalto ay hindi ko na pinuna. Ang importante ay nakaluhod na siya ngayon!

Itinago ko ang pagngisi pero ng tingalain niya ako ay kusa na iyong lumabas. He looks so pissed and I love it! Parang sasabog na siya sa galit. Napatikhim ako ng tumaas ang isa niyang kilay.

"Do you want me to beg for your forgiveness now?" naiinip at gigil niyang tanong.

Naghalukipkip ako at pinagmasdan siya. Wow... Ito na yata ang pinaka-magandang view na nakita ko sa tanang buhay ko. Just imagine Asher Miguel Tan kneeling in front of you and telling you how sorry he was for being such a douche!

Muli akong ngumiti. I am not that bad. Hindi ko rin naman kailangan ng sorry niya dahil kahit na sabihin niya 'yon ay alam ko namang hindi iyon bukal sa kanyang loob. Hindi niya forte ang pagpapakumbaba dahil siguro nasanay na siyang nasa itaas siya. Ano pa nga bang ini-expect ko sa lalaking gaya niya? He is blessed with everything. As in lahat lahat.

"What language and emotion do you prefer Karsyn para matapos na 'to?"

Mabilis akong umiling at binuwal ang mga kamay sa aking harapan. Humakbang pa ako palapit sa kanya at nang medyo sapat na ang distansiya ay itinaas ko ang aking kanang paa sa kanyang harapan.

"Fix my shoelace." mabilis na nalukot ang kanyang mukha kaya iginalaw ko ulit ang paa kong hindi ko na nagawang isintas kanina pagbaba ko ng sasakyan ni Igo.

Bumaba ang kanyang mga mata doon at wala ng ginawa kung hindi ang sundin ang gusto ko. Nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking sapatos ay wala sa sariling napalunok ako dahil kahit na suot iyon ay parang naramdaman ko pa rin ang init ng kanyang mga kamay.

"Thanks," sabi ko pagkatapos niya iyong ayusin. Umatras na rin ako ng ilang hakbang palayo sa kanya. "About that, huwag mo ng alalahanin Asher dahil kahit na hindi ka na humingi ng tawad ay pinapatawad na kita. Not because you deserve it but because that's what God requires. At kung akala mo kasing sama mo ako, nagkakamali ka. Hindi lahat ng bagay na ginagawa ko ay tungkol sa'yo dahil malinaw naman na nagkamali ako sa pagkakakilala sa lalaking sumagip sa akin. Mali ang lahat pero huwag kang mag-alala, I will still delete the video. Thank you nalang ulit sa pagligtas mo sa akin noon." muli akong umatras. "And... You should also thank yourself for saving me because if you didn't, you'll never experience to be this low dahil masyado kang matigas at mataas Asher Miguel. Sana minsan matutunan mo ring magpakumbaba dahil maiksi lang ang buhay... At hindi magandang mamatay kang arogante." mahaba at madiin kong litanya sa mga huling salita bago siya tuluyang iwan doon.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon