CHAPTER TWENTY THREE
Moving On
Pakiramdam ko'y dumaloy ang malamig na tubig hanggang sa kaibuturan ng aking puso habang dahan dahan akong bumubulusok paibaba. This is deep. Hindi ko inasahan na malalim pala iyon pero ng makabawi ay agad ko ring iginalaw ang katawan para umahon.
Mabilis akong humugot ng hangin ng makaalpas na ako sa tubig. Agad na umarko ang aking labi habang bahagyang habol ang paghinga dahil sa ginawa pero ng buksan ko ang mga mata ko ay parang gusto kong matawa ng tuluyan matapos makita ang lahat na nakatingin sa direksiyon ko habang nananatiling nakaawang ang mga bibig.
"W-What?" I smiled sweetly at them, gano'n na rin sa lalaking tanging nakatangis ang bagang at mukhang badtrip.
Si Eros at Jacob ang unang gumalaw at nagtinginan bago nakabawi ang lahat. Lumangoy ako palapit kay Igo dahil siya ang mas malapit sa akin.
I see him swallowed hard when I reach his space. Imbes na magpaapekto sa pagiging tulala niya sa kung saan ay marahan kong hinawi ang tubig para mapunta sa kanya. Doon lang siya nakabawi at ngumiti pagkatapos ay ginaya ang ginawa ko.
My laughter echoed in the place. Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik ang sigla ng lahat pero nananatiling tahimik si Asher sa gilid.
"Lagot ka." natatawang bulong ni Eros ng makalapit sa akin.
"Huh?"
Ngumisi siya at binalingan si Asher.
"You okay, dude?"
Imbes na sumagot at pinagtaasan niya lang ng kilay ang pinsan bago umiling at lumangoy palayo sa amin. Pigil ang tawa ni Eros habang ibinabalik ang buong atensiyon sa akin.
"What was that?" lito kong tanong na ipinagkibit niya lang ng balikat.
Gusto ko sanang puntahan si Asher pero dahil sa mga pahaging ni Eros ay hindi ko na nagawa. Bago pa ako malito ng tuluyan ay hindi ko nalang iyon pinansin. Nakisali ako sa sisiran nilang laro pero hindi naman ako nagtatagal sa ilalim dahil natatakot akong lumusong pa.
Halos isang oras rin kaming namalagi doon bago namin napagpasyahang umuwi. Tahimik ang lahat habang tinatahak ang daan pabalik sa resort. Ewan ko kung tinamaan lang sila ng pagod o ano pero hindi iyon naging dahilan para matakot akong lapitan si Asher na simula kanina ay hindi ko na nakitang nagsalita.
"You okay?" tanong ko ng mapantayan siya sa paglalakad.
I just finished my vlog at kahit nakakapagod nga naman talaga ang araw na ito ay alam kong marami na naman kaming mga taong mapapasaya ngayon kaya doon palang ay worth it na ang lahat.
"Yeah, you?"
I nodded.
"Bakit ang tahimik mo?"
He didn't answer me. Bumagal ang lakad niya kaya ginaya ko 'yon hanggang sa kami na ang mapunta sa dulo. Inayos ko ang tuwalyang nakayakap sa aking katawan.
"Galit ka?"
"No. Bakit naman ako magagalit?"
Muli akong ngumiti. "Wala naman," sabi ko sabay lingon sa kanya. Hindi ko siya tinantanan hangga't hindi niya ako nililingon. "Bakit hindi ka nagsasalita?"
Nagkibit siya ng balikat. Napanguso naman ako. Maybe he's really tired at kapag hindi ako tumigil ay mainis lang siya lalo sa akin.
"Napagod ka ba? Sorry-"
"No." he interrupt.
Tumango nalang ako at hindi na nangulit hanggang sa makabalik na kami baryo. Buong puso ang naging pasasalamat ni Aling Anchita sa amin kaya imbes na maisip ang pagod ay nabura na 'yon sa utak ko.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...