CHAPTER 38

14K 714 78
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

Apology


Hinayaan kong kausapin rin ni Asher si Zydney kahit na umaapaw pa rin ang galit nito sa kanya. Matapang niyang hinarap ang pinsan ko at inihanda ang sarili sa posibilidad nang pananakit nito. While they were talking, I hope and prayed that Zydney wouldn't hurt him.

Mas matagal silang nag-usap kaysa sa amin at pagbalik nila ay ramdam ko pa rin ang tensiyon. Hindi naman nagkwento ang huli. Kumain kami kasama ang mga nakasama namin sa activity kanina pero si Asher ay nagpaalam na munang aalis. Ayaw ko man siyang mawala sa paningin ko dahil ngayon lang kami ulit nagkaayos ay wala na akong magawa. Zyd is still pissed at him.

"Anong napag-usapan niyo?"

Nagkibit lang ng balikat si Zydney na ipinagtaka ko dahil ito ang unang beses na hindi siya nag-open up sa akin.

"Zydney..."

"Don't call me that."

"Zydney naman?"

Kumawala ang buntong hinga niya nang tabihan ko siya sa kama.

"I'm sorry pero hindi ko lang talaga maisip na nagawa mong patawarin si Asher ng gano'n kabilis."

"Zyd, nagpaliwanag na 'yung tao at naintindihan ko ang lahat ng sinabi niya."

"I know pero parang may mali."

"Like what?"

"Like you're rushing everything."

May sumapak man sa dibdib ko dahil sa sinabi niya pero binalewala ko 'yon.

"I'm not. He deserves my forgiveness, gano'n rin ang sa'yo. Alam mong nagsasabi siya ng totoo."

"I know," dumiin ang titig niyang makahulugan sa akin. "Karsyn..."

"No. We are not talking about it," tumayo ako at hinila na rin siya patayo. "Let's go to the beach?" masaya kong anyaya.

Kahit na ramdam kong wala siyang gana ay nagawa ko siyang hilahin sa dagat. Maraming tao roon at marami ring nakakilala sa akin kaya nakihalo na rin kami sa iba. Hindi ko sana balak tignan ang aking telepono nang umahon ako ngunit sunod sunod ang naging messages sa akin ng mga kaibigan ni Asher at ang pagwawala ng netizens dahil sa kung ano.

Igo:

My favorite lovers are back on track!

Eros:

Pinakaba niyo ako.

Jacob:

Okay na ba talaga?

Amos:

Wala na. Naglabas na ng public apology si Mr. Right kaya game over na ulit!

Nalaglag ang aking panga sa nabasa.

Davos:

Iba na talaga siya ngayon. Samantalang dati ni ayaw magpa-picture! Ngayon, kahit public apology para kay Karsyn gagawin!

Mabilis akong nag-type.

Ako:

Public apology?

Gerald send the link of the video.

Parang gustong malaglag ng eye balls ko nang umpisahan ang video kung saan seryosong nakatutok si Asher sa camera at nakikipagtitigan rito na parang gustong makipag-away kahit na puno ng lungkot at paghingi ng tawad ang namumutawi sa mga mata.

"It's Asher Miguel Vergara Tan," ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan bago magpatuloy. "I made this video for Karsyn and for everyone that I disappointed. Alam kong mali ako. Maling mali ako sa hindi pagsabi ng kung anong mayroon sa amin ng ex-girlfriend ko. Yeah, ex-girlfriend. Megan was just my ex at wala na akong balak na balikan 'yon. We're done and she's now part of my past that I don't want to live in. Hinding hindi na. Karsyn is my present and will be my future. Sa puntong 'to ng buhay ko, kay Karsyn lang umiikot ang lahat. Lahat lahat..." mabagal niyang sabi.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon