CHAPTER 51

13.1K 689 73
                                    

CHAPTER FIFTY ONE

What About Me


Sinubukan kong idilat ang mabibigat kong talukap ngunit nang pasukin 'yon ng liwanag ay mas napapikit lang ako ng mariin. I gave myself a minute or two to do it again pero maging ang mga mata ko ay naubusan na rin ng lakas. Hindi ko na nabilang kung gaano ako katagal na nakapikit habang nag-iipon ng lakas para muling masilayan ang mundo dahil umaasa akong naroon pa rin ako.

I was greeted by a white room. Kung hindi dahil sa tumutunog na machine sa aking gilid ay hindi ko pa maaalala ang lahat. I just remember being so happy and that happiness leads me here... In a CCU room.

Kumurap-kurap ako ngunit hindi naman nakagalaw kaagad. Inalala ko kung saan ako nagkulang at kung bakit humantong sa ganito. I am taking my medications religiously. Hindi rin naman ako nagpapabaya sa pagkain dahil kahit na wala akong gana ay pinipilit ko pa rin pero bakit ganito nalang kabilis? I know my time now is just limited but I didn't expect dying soon. Alam kong handa na ako sa lahat pero patuloy akong nananalangin na sana ay bigyan pa ako ng maraming oras dahil alam kong hindi pa ako tapos.

"Karsyn?" marahan kong sinundan ang pinanggalingan ng boses na 'yon. "Karsyn, are you awake?"

Nang mapunta ang mga mata ko sa gawi ng couch na nasa gilid ay agad akong napangiti ng makita si Zydney kahit na ang mukha niya ay hindi maipinta sa kalungkutan.

"Zyd..."

"Oh my God!" nagmamadali niya akong dinaluhan. "Thank God you're finally awake!"

"I-I am..." masaya ngunit nanghihina ko pa ring sambit. "You're here..."

Pinutol niya ang yakap sa akin.

"I ditched my class after I received Asher's phone call last day. Sobrang nag-aalala ako at halos himatayin na ako sa eroplano!"

Kahit na ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko ay nagawa kong matawa.

"I'm sorry..." hinaplos ko ang kanyang kamay. "Where is he? Where is Asher?"

Naupo siya sa gilid ng kama at ipinatong ang isa pang palad sa ibabaw ng akin.

"Kakaalis lang. I don't exactly know where he's going pero baka susunduin sila Jacob."

Napaawang ang aking bibig.

"Jacob?"

Tumango tango siya.

"'Yon ang sabi."

"T-They know?"

Malungkot siyang tumango.

"Asher informed everyone about what happened."

Napalunok ako ng maramdaman ang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan. Mabilis na kumalat ang init sa aking puso nang maisip na pupunta silang lahat dito para lang sa akin. Though totoong ayaw ko munang ipaalam dahil ayaw kong pati sila ay mag-alala gaya ng pag-aalala ng mga taong nakapaligid sa akin pero ang makita silang muli ay nagbigay ng kasiyahan sa aking puso.

"How's Dad?"

"He is fine. He's now in Europe but he said he will visit you as soon as he flies back to the Philippines."

Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Bukod sa pasasalamat ng aking utak sa kadahilanang buhay pa rin ako ay nagpapasalamat rin akong maayos ang lagay ni Daddy pagkatapos nang nangyari sa akin.

Ilang minuto pa kaming nag-usap at sa durasyon no'n ay hindi siya natigil sa pagkumbinsing umuwi na ako at doon ipagpatuloy ang mas maayos na gamutan. She said that I'm lucky to stay alive dahil minor heart attack lang ang nangyari. I am glad that I'm stable now. Ramdam ko man ang bigat ng dibdib ko pero medyo kalmado na ang lahat sa aking pakiramdam. Maraming beses niyang ipinaalala na hindi imposibleng maulit 'yon pero hindi na ako nakapagsalita dahil sa pagdating ng mga bisita.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon