CHAPTER FORTY
Kiss
"Help! Oh my God please help us!" hysterical na sigaw ng babaeng hindi na alam ang gagawin sa lalaking ngayon ang iniaahon mula sa falls ng mga kalalakihan.
It's a different group. May isang grupo maliban sa mga kasama namin.
"Tulong! Tulong!" sigaw naman nang umiiyak na babaeng matanda sa tabi nito na hindi na rin alam ang gagawin. "Tulungan niyo ang anak ko!" malakas niyang boses na umaalingawngaw pa sa buong kapaligiran.
"May nalunod! Tulong!"
Nalaglag ang aking mga mata sa lalaking ngayon ay naiahon na. Hindi na ako nakapagsalita. Nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo at hinahawi sila upang sumaklolo sa kanilang grupo. Wala na akong naisip sa pagkakataong 'yon kung hindi ang isalba ang nasa aking harapan na tingin ko'y kasing edad ko lang o mas matanda lang ng kaunti sa akin.
Walang arte akong lumuhod sa basang lupa para utusan ang mga lalaking may hawak rito na ilagay siya sa harapan kong mas patag para maumpisahan ko ang dapat gawin.
"Hey, are you okay?" ilang ulit kong tinapik ang kanyang balikat at dibdib pero wala akong narinig na sagot.
Nag-iiyakan na ang mga taong nasa paligid ko at masyado silang magulo pero imbes na sawayin ay pinagtuonan ko nalang ng pansin ang lalaking ngayon ay nakikipag-agawan kay kamatayan. Ibinaba ko ang aking ulo upang pakinggan, damhin at tignan kung may senyales pa siya ng buhay.
Ginawa ko 'yon ng hindi lagpas sa sampung segundo at nang wala akong makita at naramdaman ay sinimulan ko na ang pagsi-CPR.
I placed the heel of my left hand on the center of his bare chest and placed the right on top of it. Itinuwid ko ang aking mga kamay at umangat ng kaunti sa aming kinalalagyan upang magsimula nang i-pump ang kanyang dibdib ng mabilis at madiin matapos pagsalikupin ang mga 'yon. I pumped my hands two times every second hanggang sa makabilang ako nang tatlumpo.
Hiningal ako kaagad sa ginawa lalo na't buong buo ang tensiyon sa mga taong nakapalibot sa akin at matagal ko na ring hindi ito nagagawa pero hindi ako nagpatalo.
"Ansel, wake up! Gising na please naman!" nanginginig na hiyaw ng babaeng tinawag siyang anak kanina.
When the guy is still not responding, I gently tilt his head, lift his chin and pinch his nose before I place my mouth on his airways. Marahang kong pinakawalan ang dalawang mabagal at maingat na hinga galing sa aking bibig sapat para umangat ang kanyang dibdib.
Sa pagkakataong 'yon ay natigil na ang lahat ng iyakan at ang lahat ay nagkaroon ng pag-asa habang nagpapatuloy ako sa ginagawa. Ni walang nag-kwestiyon sa akin dahil siguro'y nakita nilang ito ang tamang paraan para isalba ang kanilang mahal sa buhay.
Nagpaulit-ulit ako at kahit nangangalay na ang aking mga kamay ay hindi ako tumigil. I've never been this determined all my life pero sa pagkakataong ito ay kahit maubusan ako ng lakas ay ayos lang maisalba ko lang siya.
"Come on, Ansel..." mahina kong sambit kasabay ng muling pagdiin sa kanyang dibdib at taimtim na panalangin para sa kanyang kaligtasan.
"Ansel, come on!" dama ko ang pagtulo ng mga butil ng pawis sa aking noo kahit na malamig at presko naman ang simoy ng hangin sa kapaligiran.
Segundo hanggang sa minuto na ang lumilipas pero wala pa ring pagbabago sa kanya. Nanghihina na ang mga kamay ko at parang gusto ko na ring sumuko pero kahit ang huling latak ng aking lakas ay naging determinado kaya naman itinodo ko na 'yon.
"Ansel... Do not go into the light... Do not go into the light... Do not–" mabilis kong naitikom ang aking bibig ng makita ang pag galaw ni Ansel kasabay ng kanyang pag-ubo at paglabas ng tubig sa kanyang bibig kaya halos magtatatalon ako sa tuwa!
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...