CHAPTER THIRTY FOUR
Girlfriend
"Oh my God, what?!" napangiwi ako sa paghiyaw ni Zyd matapos kong i-kwento ang mga nangyaring pagtatapat ni Asher ng pagmamahal niya para sa akin.
"Anong sinabi mo pabalik?!" muli niyang tanong.
Marahan kong nasapo ang noo ko. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang sa sahig habang inaalala ang mga nangyari.
"Wala."
"Wala?!"
Umiling ako na parang nasa harapan ko lang siya.
Wala akong isinagot kay Asher dahil hindi ba sabi niya ay sasagutin ko lang 'yon kapag gano'n na rin ang nararamdaman ko para sa kanya? At sa ngayon ay alam kong hindi pa ako umaabot sa gano'n... Paano ko nga ba malalaman?
"Bakit wala, Karsyn? Hindi mo ba siya gusto? I thought you like him too?"
"I like him but that's not enough to be called love. Magkaiba 'yon."
"Pero doon na rin papunta 'yon! Did you gave him false hope or something? Gusto kong malaman kaya ulitin mo. Ang sabi mo sinabi na niyang mahal ka niya, oh tapos? Wala kang isinagot pabalik?"
"I didn't say anything. Sabi niya, gusto niya raw marinig 'yon kapag gano'n na rin ang nararamdaman ko para sa kanya and I think what I feel for him is not love. Not yet. Hindi pa sa ngayon."
"Wait, wait. Okay, let's try to tick some boxes, ready?"
"Okay."
"Does he makes you happy?"
"Yes."
"Do you care for him?"
"Yes."
"Do you think about him everyday you wake up?"
Napaisip ako. Sometimes I think about pets, kids, my Dad... Natigil ako nang maisip na minsan nga, nangyayari rin namang siya ang naiisip ko sa unang pagdilat ng mga mata ko pero hindi ba natural iyon dahil magkasama kami?
"Sometimes."
"Gaano 'yang sometimes?"
"Hmm,"
"Okay, let's skip that. Hmm, gusto mo ba siyang kasama palagi?"
"I'm always with him."
"I know but what I mean is, paano kung hindi mo siya kasama ngayon? Gugustuhin mo ba siyang makasama?"
"Yes?"
"Good. Do you think you become a better person while with him?"
"Yes."
"Kaya mo bang mawala siya sa tabi mo?"
Napaisip ako ulit ng matagal bago nakakuha ng sagot.
"Oo naman... Pero kapag nawala siya, kailangan ko siyang hanapin dahil baka kung ano nang nangyari sa kanya at kung wala siya, baka maligaw ako."
"Oh, KF! Why do you have to be this innocent!"
Kumunot ang noo ko.
"What's your verdict? Do I love him?"
"I can't answer that for you. Sa ngayon, you have to figure it out by yourself but I guess there's a great possibility na isang araw ay magigising ka nalang at masasabi mo sa sarili mong mahal mo na rin siya. Hindi bale, sabi ni Asher hihintayin ka niya, 'di ba? So hindi mo kailangang magmadali. You have all the time in the world para pag-aralan ang nararamdaman mo para sa kanya. Pero ang tanong, kaya mo bang mawala si Asher ng permanente sa buhay mo kung sakaling hindi dumating ang araw na mamahalin mo siya pabalik?"
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...