CHAPTER FORTY TWO
Germs
Gabi ang napag-usapang oras nang pagpunta sa bahay ng mga Zisneros. Bukod kasi sa kakakain lang namin kanina ay ayaw kong maudlot ang mga plano namin ni Asher lalo na't ito na ang huling araw namin sa lugar.
Sinundo kami ng isang SUV na mayroon pang mga security patungo sa kanilang tahanan. Hindi ako bumitiw kay Asher dahil simula palang nang sumakay ako sa sasakyan ay hindi na natigil ang kaba sa aking puso.
"Okay ka lang?" he asked.
Marahan akong tumango.
"Ikaw? Ayos ka lang?"
"Yeah. Bakit naman hindi?"
"I don't know... Ayos lang sa'yong pumayag akong pumunta tayo rito?"
Tipid niya akong nginitian. Umayos siya ng upo at pumihit para harapin ako ng mas maayos.
"Ayos lang sa akin lahat, okay? Basta para sa'yo."
Pinigilan kong mapangiti dahil sa sinabi niya pero kusa iyong lumabas dahil sa mga mata niyang matamang nakatitig sa akin.
"Besides, they should really thank you for saving that man's life." he said bitterly.
"Bakit parang galit ka? Galit ka sa kanya?"
Nababaliw siyang natawa sa sinabi ko pero imbes na sumagot ay inayos niya nalang ang aking buhok ng nakaharang sa aking mukha at inilagay 'yon sa likod ng aking tenga. Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako kumibo hanggang sa makarating kami sa malaking bahay ng mga Zisneros.
Malawak ang kanilang bakuran at maraming mga sasakyang naka-park sa loob pero dahil madilim na ay hindi ko lubusang makita kung ano ang totoong kulay ng kanilang bahay lalo na't medyo luma na rin iyon.
Inalalayan ako ni Asher sa pagbaba. Ang mga tauhan naman ng mga Zisneros ay sinamahan kami hanggang sa makapasok sa loob ng bahay na hindi ko inasahang may modernong istilo at bagong bago pang mga kagamitan simula sa malaking chandelier na bumungad sa akin taliwas sa istrukturang nasa labas!
Nang matanaw ko ang mga pamilyar na mukhang nakita ko sa Matarik ay muli akong nilukob ng kaba ngunit ang lahat ng 'yon ay tila trumiple nang lumabas naman ang isang lalaking pormadong nakasuot ng itim na button down shirt na nakatupi hanggang sa kanyang siko kaparehas ng kanyang slacks habang matikas na naglalakad patungo sa amin. Ang kanyang tindig at hitsura ngayon ay taliwas sa mahina at hubad niyang katawan noong una ko itong nakita pero hindi 'yon ang dahilan kaya muling nag-aalburoto ang puso ko.
Nagwala iyon dahil sa marahang pagyakap ng matipunong braso ni Asher sa aking maliit na bewang kasabay ng kanyang paghapit padiin sa kanyang katawan sabay bulong,
"I'm not mad at anyone, baby... pero depende ang galit ko ngayong gabi so that guy better behave." bulong niyang nagpatayo sa lahat ng mga balahibo sa buo kong katawan!
Hindi ako kaagad nakasagot. Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod pero mabuti nalang ay nawala sandali ang pag-iisip ko sa kanyang sinabi nang salubungin ako ng mga babaeng Zisneros.
"Hija! I'm glad you came!" masayang bati nang ginang na ngayon ay posturang-postura sa aking harapan.
Pormal ko siyang niyakap gano'n rin ang mga babaeng anak nito na umpisa palang ay walang humpay na ang pasasalamat sa akin dahil sa ginawa kong pagsalba sa kanilang kapatid.
Ipinakilala ko si Asher sa kanila at hindi naman ako nahirapan dahil ang dalawa sa mas nakababatang Zisneros ay kilala kaming dalawa dahil sa aming mga ginagawa. Hindi na rin nakapagpigil ang mga ito na kumuha ng litrato kasama kami pero natigil ang lahat nang makalapit na si Ansel.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...