CHAPTER TEN
Mr. Wrong
Hindi ko alam kung paano, bakit, paano, bakit at kung paano at bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon!
Ang utak ko ay walang humpay akong pinapagalitan habang naririnig ang mga magulang ni Asher na nagdidiskusyon sa kung ano ang nagawa ng kanilang anak sa akin!This is wrong in so many levels! Ilang beses ko nang tinangka na bawiin sa kanya ang mga sinabi ko pero imbes na pakinggan ako ng mommy ni Asher sa pagpapaliwanag kanina ay dinala ako nito sa loob ng resort na hindi ko na naisip na mapapasok ko pa! I'm now in their living room!
"William, this is serious! What should we do now?!"
Napapikit ako ng mariin at iniwas ang tingin sa mag-asawang kahit nasa may balconahe ay rinig ko pa rin ang mga pinag-uusapan. I can't believe that I just did that! Na naging dahilan ako ng lahat ng gulong ito!
"Let your son deal with this, Isabella. Wala na tayong magagawa kung nandiyan na 'yan."
"William, he just started handling our businesses and he is still too young to have a child! Kaya ba gusto niyang magpahinga muna sa ngayon dahil diyan? Ano bang nagawa ko at ganito ang isinukli sa akin ng anak mo?!"
Muli kong nakurot ang aking sarili ng makita ang pagyakap ng lalaki sa Mommy ni Asher. Pero hindi gaya kanina na para maiyak ako, ngayon ay sinasaktan ko na ang sarili ko dahil deserve kong masaktan sa nagawa ko.
"Where is he? Call him right now, William!" Napayuko ako ng marinig iyon.
Kung kanina ay alam ko pa ang pakay ko at pwedeng sabihin kay Asher kapag nagkita na kami, ngayon naman ay parang wala nang gusto pang lumabas sa aking bibig.
Nanatili akong nakayuko pero dahil sa pagsidatingan ng mga kasambahay para bigyan ako ng pagkain at juice ay naobliga akong sulyapan sila at pansinin.
"S-Salamat po." Sabi ko sa huli at pagkatapos ay muli nang pinagalitan ang sarili.
Kung kanina ay malinaw ang plano kong pagpasok rito kahit na anong mangyari, ngayon naman ay nagsisimula na akong mag plano kung paano makakaalis bago pa mas lumala ang sitwasyon.
Napatayo ako ng makita ang pagpasok ng mag asawa pabalik sa aking gawi.
"S-Sorry po-"
"It's okay, Hija." The guy interjects. "I'm sorry if our people were hard on you," Binalingan ng lalaki ang asawa na tipid na ang kilos ngayon ngunit naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata sa pag-aakalang nabuntis nga ako ni Asher.
Wala sa sariling napalunok ako sa naisip. Parang gusto kong haplusin ang aking buong katawan dahil sa pananayo ng aking mga balahibo dahil doon! Like seriously?! Hindi ko balak kabugin si Mama Mary sa kabaliwan ko! Kung bakit ba kasi nakita ko pa iyong buntis kanina sa kainan! Ayan tuloy at kung ano ano ang naisip ko!
"Alma, where is Asher? Tinawag mo na ba?" Maawtoridad nitong tanong sa kasambahay na dumating upang ibaba sa lamesa ang pagkaing dala.
Last supper ko na ba ito? Parang gusto ko tuloy sabihing bata pa rin ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay!
"Opo, Sir William. Papunta na po."
Napaupo ako bigla dahil sa sinabi ng babae kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Madali kong kinuha ang isang baso ng tubig sa lamesa at tuloy tuloy iyong ininom!
"Good, pakipuntahan ulit at sabihing dalian at may lakad pa ako."
"William," Maagap na hinawakan ng ginang ang braso ng asawa. "Kausapin mo ang anak mo. Ipagpaliban mo muna 'yang meeting." Nahihiya niyang inilayo ulit ang ginang sa akin at pagkatapos ay iginiya ito sa kung saan sila nag-usap kanina.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...