CHAPTER FOURTEEN
Deal
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi lalo na ng marinig ang nakakalokong hiyawan ng mga lalaki sa paligid namin.
Natatawang tinapik ni Thiago ang aking bumbunan nang maghiwalay kami. Nahihiya akong nagbaba ng tingin dahil alam kong namumula ako ngayon. Hindi dahil sa kinikilig ako o ano kung hindi dahil totoong nakakahiya ang ganito! Ni minsan ay wala pang nakayakap sa akin ng gano'n... I mean, maliban kay Asher noong araw ng trahedya ay wala ng nakalapit sa aking lalaki ng ganito kalapit!
"Igo, makikipaglandian ka ba o sasali pa?" Matigas na sambit ni Asher kaya mas lalo kong naramdaman ang pag-aalab ng aking buong mukha.
Tuliro akong napasunod kay Thiago ng maglakad siya palapit sa mga lalaki.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Asher habang hinihintay kaming makalapit.
"This is fucking interesting..." Narinig kong sambit ni Amos na tuwang tuwa ngayon at parang may pinapanuod na libreng comedy show.
Tumabi ako kay Jacob na ngayon ay naiiling nalang.
"You're blushing by the way." Mahina niyang bulong sa akin kaya nahihiya kong nasapo ang aking magkabilang pisngi.
"Thank you ha. Nakatulong." Bulong ko pabalik dahilan para matawa na siya.
"Sasali ako." Sagot ni Thiago kay Asher.
Nilingon ko ang gawi nila at hindi ko maiwasang kabahan dahil mukhang seryosong seryoso na ang mga ito ngayon na akala mo'y hindi car racing ang gagawin kung hindi boxing or worst, MMA!
"Why is she even here?"
Sandali akong nilingon ni Thiago.
"She's my plus one."
Natawa ng sarkastiko si Asher.
"She is not your girlfriend, Igo. She can't be your plus one."
Tumalas at tumagal ng ilang segundo ang titig niya rito pero si Thiago ay hindi man lang natinag.
"How can you be so sure, Asher?"
Napalingon ako ng tumikhim ng malakas si Eros habang si Ivan naman ay natatawang umalis sa tabi ng mga lalaki at lumayo para magsindi ng kanyang sigarilyo. Bago pa muling magulo at maudlot ang gagawin ay minabuti nalang ni Trystan na lapitan ang dalawa at ayusin nalang ang gagawin kaya nawala ang pagtitigan nila.
Hindi ko tuloy maiwasang pagnilayan ang desisyon kong ito. Tama bang nandito ako ngayon? Tama ba ang desisyon kong sumama pa rito kahit na hindi ko naman talaga sila tuluyang kilala? Oh God! Anong ginagawa mo Karsyn?!
Ipinaliwanag ni Trystan ang lahat ng rules na continuation ng race kahapon at nang mga nauna pa simula ng magbakasyon sila rito. Si Thiago, Lance, Sergio at Eros ang natitirang maglalaro ngayon at kung sino ang mananalo sa kanila ay siya namang lalaban kay Asher.
Nang magkaliwanagan na ay sumama ako sa gawi nila Thiago na kasama si Jacob at Eros. Nahati sa dalawang grupo ang mga lalaki. Nakinig lang ako. Hindi ko naman alam ang mga sinabi niyang terms pero isa lang ang maliwanag sa akin ngayon, dahil isinali na nila ako sa kanilang grupo ay kailangan naming manalo laban kay Asher.
"Igo, he's all yours." Nakangisi't makahulugang sabi ni Eros sabay lipat ng tingin sa gawi nila Asher na ngayon ay naninigarilyo na rin.
Wala sa sariling napalunok ako ng lumakad ang kanyang madilim na mga mata patungo sa akin sabay angat ng hawak at hithit doon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin lalo na't lumapit na sa akin si Thiago.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...