CHAPTER FORTY ONE
Fear And Love
Tahimik si Asher simula nang makakain kami, matapos maligo, mag-vlog at makabalik sa resort. Gustohin ko mang tanungin siya pero naiisip ko palang ang posible niyang sagot ay parang gusto ko nang magpalamon sa lupa.
I get it. Alam kong hindi 'yon ang ideal na halik pero anong magagawa ko kung 'yon lang ang alam ko? That's what kiss for me. 'Yung labi niya tapos ididikit sa labi ko... I felt my cheeks burned nang maisip ko ang lahat ng nangyari. Unang beses ko ring makapagsalba ng buhay dahil sa natutunan ko noon sa aking kurso pero mas tumatatak ang huling may first kiss na ako. He was my first kiss...
Nahihiya akong pumihit bago malapitan ang pinto ng aking kwarto.
"Hmm... K-Kakain pa ba tayo mamaya?" nahihiya kong tanong dahil bukod sa hindi ako sanay sa pagiging tahimik niya, hindi ko na rin alam kung ano na ang nasa isip niya ngayon.
Paano kung iwan niya ako dahil sa ginawa ko? Napalunok ako ng tumagal ang kanyang titig sa akin imbes na sagutin ako kaagad.
"Asher?"
"Yeah... Kakatukin nalang kita mamaya."
Marahan akong tumango at tipid na ngumiti sa kanya. Pinigilan ko ang sarili kong tanungin siya kung ayos lang ba siya o ano dahil talagang parang unti-unti akong bumabaon sa lupa sa tuwing naiisip ko ang nagawa ko ilang oras ang nakalipas.
"S-Sige... See you."
Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Imbes na patagalin ang pagkakanulo sa sarili ay dali-dali na akong pumasok sa aking kwarto. Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko bago ako nakabawi at nagkaroon ng lakas na ayusin ang sarili at magnilay sa mga nagawa.
Paglabas ko sa banyo ay hindi na matigil ang telepono ko sa pagtunog. I know na normal lang naman 'yon at normal lang na tignan ko kung ano ang dahilan ng ingay pero nagulat ako sa isang video na bumalandra sa aking mga mata sa group chat ng mga kaibigan ni Asher.
"Miss Right always saves the day." basa ko sa title ng video kung saan ang aktong pagtulong ko kanina sa lalaki.
I closed the group chat dahil marami pa akong ibang notifications gawa ng mga taong nagta-tag sa akin sa kung saan. Nanlaki ang mga mata ko sa isang article na nakapaskil ang aking mukha at ang lalaking ang pangalan ay Ansel na isa palang anak ng Gobernador sa lugar!
Nanghihina akong napaupo. Wala naman sa akin kung sino ang lalaki pero hindi ko mapigilan ang mamangha lalo na't buong Zambales yata ay pinapasalamatan ako ngayon sa aking nagawa. naubos ang oras ko sa pagbabasa ng mga article at ilang pagkakakilanlan ng pamilyang 'yon hanggang sa makabalik ako sa group chat na hindi rin nahinto ang pagdatingan ng mga mensahe.
Jacob:
I can't believe what she did. You are truly amazing Karsyn.
Eros:
Truly amazing.
Umarko ang aking mga labi sa nabasa. Pakiramdam ko'y parang may humaplos sa aking puso dahil sa kanilang mga pahayag.
Davos:
But I don't think someone is happy right now.
Amos:
Hahaha!
Gerald:
Bro, I bet someone wants to punch that governor's son.
Igo:
Damn, how I wish I was there to see his face.
Zake:
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...