CHAPTER FIFTY THREE
Hola, It's KF - Love
"Thank you so much, Igo!" wala sa sariling nayakap ko pa ito matapos niyang ilapag sa gilid ng kama ko ang kahong laman ang mga bagay na ipinasuyo ko sa kanya.
After my talk in Roehampton, nasundan pa iyon ng isa sa Campbell at ilan pa sa ilang pampublikong unibersidad pero hanggang doon nalang ang lahat kahit na gustohin ko pang um-oo sa kanila dahil hindi na ako pinayagan ni Dr. Ramirez na umalis ng hospital. I continued my talks over the internet na hanggang ngayon ay nag-uumapaw pa rin ang mainit na suporta sa akin. Kahit na medyo magulo na rin ang internet ngayon ay nagpapasalamat akong nagagamit ko 'yon upang magpatuloy kahit na narito ako sa hospital.
One of the things that keeps me doing what I'm doing is the people who was inspired by my words. Marami at dumarami ang humahanga sa tatag ko maging ni Asher dahil sa pagkakataong ito ay hindi nalang basta simpleng suliranin ang hinaharap namin sa aming relasyon. Na ang pagiging opisyal namin ay mabilis na natabunan dahil sa issue ng kalagayan ko pero gayunpaman, I'm grateful that I'm surrounded by positive people that brings so much joy in me.
"What are you going to do with all that?" kunot noo niyang tanong.
Ngumiti lang ako sa kanya. I could hug him again dahil sa mabilis niyang pagresponde sa tawag ko kanina pero pinigilan ko ang aking sarili. Asher is so lucky to have someone like him at isa siya sa pagkakatiwalaan ko para rito kung sakaling dito na ako magtatapos. He's an awesome friend gaya nang sampu pang mga kaibigan ni Mr. Right.
"You'll see." ngumiti akong muli at manghang tinignan ang box na iyon na ilang araw ko ring hiniling.
Sandali lang kaming nag-usap ni Igo at maya maya ay nagpaalam na rin dahil talagang dumaan lang siya para maibigay ang mga pinabili ko na naging regalo na dahil ayaw niya namang pabayaran. Kahit na hindi ako nakakalabas at nakakapag-bigay ng live na speech sa iba't-ibang lugar dahil sa pagbabawal ni Dr. Ramirez na mapagod ako ay hindi niya naman ako pinagbawalan sa pagfi-film.
I made sure that people are updated with me and my life with Asher. Sure, hanggang ngayon ay tama pa rin si Zydney. People really digs everything that involves romance at mas lalo pa yata nila kaming sinuportahan dahil sa nangyayari.
Hirap kong idinilat ang aking mga mata isang araw pero nang maramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Asher sa aking kamay ay nagkaroon ako ng lakas para titigan siya.
"Is my baby okay, huh?" masigla at malambing niyang tanong na kahit masakit ang buong katawan ko ay nagawa kong ngumiti at tumango.
"I'm okay. Ikaw? Hindi ka na naman natulog?"
Umiling siya at hinalikan ako sa noo.
"I had to watch you the whole night. Zydney and I attended this first aid class just in case you needed one," pakiramdam ko'y may humaplos sa aking puso lalo na ng ipakita ni Asher ang ilang libro na may kaugnayan sa kalagayan ko.
"And I had to review all of it while watching you sleep." aniya pagkatapos ay wala nang ginawa kung hindi ang magtanong kung ano ang mga dapat niyang gawin at kung ano pa ang dapat niyang malaman sa sitwasyon ko.
Nitong mga nakaraan ay nakita ko ang determinasyon niyang matutong alagaan ako gaya nang pangako niya sa akin at isa iyon sa dahilan kaya nagpapakatatag ako. I want to make sure I'm doing my part. Na hindi lang siya ang lumalaban at ako rin para sa aming dalawa.
Nang sumapit ang Sabado ay namangha ako sa mga bisitang ni minsan ay hindi ko naisip na makikita ko pang muli.
Ilang beses akong napalunok nang makita si Tita Isabella kasama ang asawa nitong si Tito William na palapit sa akin upang bigyan ako ng isang mainit na yakap.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...