CHAPTER 29

16.8K 842 214
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Sober


I'm surprised that they are all here. Walang labis, walang kulang.

"Good to see you again after three days. Grabe, sobrang tagal." nakangising bati sa akin ni Jacob sabay yakap ng mabilis. Gano'n rin ang ginawa ko sa iba pero lahat sila ay may nasabi sa muling pagsunod sa akin.

"Parang it's been a year na raw, eh!" pagbibiro naman ni Igo.

"Pag-ibig nga kasi." ulit ni Zake pero nanatiling tahimik si Asher kahit na bulgaran ang pagkakasabi ng lahat.

Wala naman akong naisagot. Pinakinggan ko lang sila hanggang sa naupo na kami sa lamesa.

"Ganyang ganyan talaga kapag in love!" umubo-ubo pa si Gerald na agad naman binalingan ni Asher.

"Matuluyan ka sana." mahina niyang pasaring pero tinawanan lang 'yon.

Tumabi ako kay Asher dahil lahat ay inukopa na ng mga kaibigan niya maliban iyong nasa kanyang tabi.

"But kidding aside, sorry kung na-late kami. Dapat talaga bago pa umalis si Zyd kami nakarating rito kaso nga lang may dinaanan pa kaya medyo nahuli." si Amos.

"Okay lang. Hindi naman kailangan kasi–"

"Kailangan," mariing putol sa akin ni Eros sabay sulyap ng mabilis kay Asher at tuon ulit sa akin. "Trust me, kailangan."

Naitikom ko ang aking bibig. Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain kaya hindi ako naobligang magsalita. Inayos ko ang sarili pero natigil ako ng makita ang pagsisimula nilang kumuha ng pagkain nang wala man lang pagpapasalamat ngunit natigil rin ang lahat ng biglang tumikhim si Asher.

"What?"

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong sumulyap siya sa akin, tila alam na ang nakalimutan bago kainin ang dumating na biyaya.

"Oh..." lutang na ibinalik ni Ivan ang hawak na platong may lamang chopseuy. Nagsisunuran naman ang lahat.

"We're praying? Since when did we..."

"We are praying." anang maotoridad at baritonong boses ng lalaki sa tabi ko.

Wala na silang nagawa. Natitigilan man ako ay nagsimula na rin akong magpasalamat sa biyayang aming tatanggapin ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pagkailang dahil parang pagkatapos kong magdasal ay nahihiya na silang iangat ang mga pinggan sa lamesa.

"Thank you..." ngumiti ako kay Asher nang abutan niya ako ng kanin.

"What else do you want?"

"Uhm," nilingon ko ang mga pagkaing nakakalula sa dami. "Vegetables?"

"Which one?"

Inginuso ko ang pinakbet. Naiiling siyang napangisi sa hindi ko malamang dahilan.

"Do you really use your lips to point at something you want?"

Sumungaw ang ngiti ko at wala sa sariling napanguso sa kanya.

"Oh, wow..." he exclaimed.

"Oh, no!" naramdaman ko ang pagragasa ng init sa aking buong pagkatao dahil sa nangyari.

"Hindi 'yon—"

Bago pa ako makapagpatuloy ay umikot na ang aking buong pagkatao ng makita ang pag nguso niya pabalik sa akin na sinabayan pa ng kaunting pagtango habang inilalapag ang gulay na gusto ko.

"I'm just kidding," he said playfully.

Nahihiya akong napayuko at kinuha nalang ang pagkaing inabot niya. Nilagyan ko ang plato ko at kahit na alam kong nag-iinit na ang aking magkabilang pisngi ay hindi iyon naging hadlang para mag-angat ako ng tingin at sipatin ang mga kasama naming natutulala sa aming dalawa. Para bang nanunuod sila ng isang pelikula sa mga hitsura nila.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon