CHAPTER THIRTEEN
Make Him Suffer
What?!
Gusto ko pa sanang tanungin ang babae kung totoo ang mga sinabi niya pero nagmamadali na niya akong iniwan upang batiin ang mga bagong dating.
Pumihit ako patalikod sa kanilang direksiyon para hindi na mas lalo pang manakit ang mga mata ko saka humakbang palayo.
Narinig ko ang kanilang mga pagyayabangan sa kung anong ginawa at bago pa ako makaalis ng tuluyan ay narinig ko na ang pagtawag ng isang pamilyar na boses sa akin.
"Karsyn!" Masayang sigaw nito na agad tumapos sa pag-iingay ng lahat.
Muling nasundan ang pagtawag kasabay ng mga yapak patungo sa kinaroroonan ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumihit paharap sa kanila.
Nakita ko ang paghabol ni Eros sa kanyang paghinga pagkatapos huminto isang dipa ang layo sa akin.
"H-Hey." Nahihiya kong bati.
"You're still here." Aniyang hindi ko alam kung paano sagutin mabuti nalang at sinegundahan pa niya ang sinabi. "I mean, I'm glad that you are still here!"
Pinagdiin ko ang aking mga labi at saka siya tinanguan.
"I believe I haven't introduce myself yet. I'm Eros, Asher's cousin." Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglapit ng isa pang lalaki sa gawi namin ni Eros.
Kinuha ko ang kamay ng huli.
"Karsyn." Tipid kong sagot.
"And I'm Jacob." Anang lalaki namang tumabi kay Eros. "I'm Asher's cousin too." Pagpapakilala niya.
Nahihiya ko ring tinanggap ang kanyang kamay matapos magpakilala. Ilang ulit ang naging paglunok ko ng makitang nagsisunuran na rin ang kalalakihan maliban sa isang nanatiling nakatayo at nakadistansiya sa akin. Nakita ko ang pagtawag niya sa mga lalaki pero hindi siya pinakinggan ng mga ito.
"Traydor. Mga traydor." May hinanakit niyang sumbat sa mga barakong humarang sa mga mata ko para na hindi siya makita.
Nagpakilala ang mga kaibigan ni Asher sa akin. Habang isa-isa ko silang kinakamayan ay pilit ko namang itinatatak sa utak ko ang kanilang mga pangalan.
Si Trystan, Ivan, Lance, Thiago, Sergio, Amos at ang ilan pang hindi ko na nasundan dahil sa dami nila at sa overwhelming na pakiramdam. Ang kanilang bilang ay nanatiling labing dalawa pa rin gaya kagabi, kung isasama ang isang masamang hangin sa hindi kalayuan.
"So, how long do you plan to stay here?" Si Eros.
"Ahm..." Sinulyapan ko silang lahat. "H-Hindi ko pa alam."
Hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga babaeng dumaan na naiwan ang mga malisyosang titig sa akin pero hindi ko naman sila masisisi because look at them!
I bet they're all into sports or something. Halos iisa lang kasi ang built ng mga katawan nila. Tingin ko'y pare-parehas lang rin kaming nasa twenties...
Napakurap-kurap ako habang inilalakad ang mga mata sa kanilang lahat. Hindi ko na naiwasan ang pagkamangha. Hindi naman talaga ako madaling magwapuhan dahil hindi rin ako kuntento sa panlabas na anyo lang pero ang mga lalaking ito kasi ay para talagang mga hinulmang maigi ni Lord! Para silang mga nakawala sa isang hawlang galing langit at bumaba rito para magpalaganap ng magandang lahi.
Umatras ako palayo ng sumagi sa isip kong baka sa pang labas lang rin sila magaganda gaya ng lalaking akala ko'y perpekto na.
"Nice to meet you all but I need to go now." Isinenyas ko ang aking likuran pero iyong si Jacob ay binalingan ang naiwang lalaki imbes na magpaalam na sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...