CHAPTER 20

21.4K 825 89
                                    

CHAPTER TWENTY

Partner


"O... O-Oo naman!" nauutal kong sagot sa kanya.

Holy hell! I didn't expect that question! Not at all! Kahit para sa kanya ay normal lang sigurong tanong iyon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napakalaki na ng dating para sa akin!

If I can only hear what the wind is saying right now, baka mas lalo akong nabingi sa pagsigaw ng kabuuan ko. Habang nakatuon kasi ang mga mata ni Asher sa mga mata ko ay parang nananadya naman ang hangin dahil sa paglakas nito na parang gustong manuot hanggang sa aking kalamnan.

His lips curved a sweetest smile. "And now you're making me happy."

Ngumiti rin ako ng pagkatamis-tamis.

"Dahil happy ako?"

He nodded.

"That's nice of you, Asher."

Kung kanina ay seryoso lang siya at simple ang mga ngiti, ngayon naman ay natawa siya sa sinabi ko.

"Bakit?"

"Nothing."

"Bakit nga?"

Pinagdiin niya sandali ang kanyang mga labi bago umiling at sumagot.

"Naninibago lang akong makarinig ng matinong comments para sa sarili ko."

Muli akong napasimsim sa hawak ko. Well siguro nga may kasamaan rin siyang taglay pero sa nakikita ko ngayon, sa puntong ito ay walang masama sa pagkatao niya. I feel like this is the real Asher... O baka feeling ko lang?

"Bakit naman? You don't believe that you're nice?"

Nagpatuloy siya sa pag-ubos ng alak sa baso at pagkatapos ay muling nagpaalam sa akin na maninigarilyo. Gaya ng mga nauna't parehong sitwasyon ay walang hirap naman akong pumayag kahit na tutol ako sa pagiging second hand smoker.

"I'm not nice." aniya pagkatapos ibuga ang unang hithit sa hawak.

"And why is that?"

Inangat niya ang basong nasa kanang kamay at uminom pagkatapos ay inangat naman ang yosi sa kaliwa.

"People with vices are not nice."

Wala sa sariling nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.

"I disagree to that, Asher Miguel. That's stereotyping," pinanuod ko siyang ipagpatuloy ng salitan ang bisyo. "You know, lahat naman ng tao sa mundo may angking kasamaan pero hindi dahil sa bisyo 'yon. Some maybe a bit intimidating lalo na iyong mga burdado ang katawan but that doesn't mean that they are the worst. And not because you have vices means that you're evil. Today, you made so many people happy, kasama na rin ako tapos inilayo mo pa ako kanina sa mga babae and that is you being nice. You are nice."

Tipid na ngiti lang ang tanging isinagot niya sa akin.

"You're still not convinced, huh?"

Nagkibit siya ng balikat habang patuloy lang na nakapirmi ang mga mata sa akin. Umayos ako ng upo at uminom na rin ng kaunti para magkaroon ako ng lakas ng loob na patuloy siyang kontrahin.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis matapos ibaba ang basong hawak.

"You saved me, Asher," mabagal at klaro kong sambit na nagpakurap sa kanya. "You're basically my guardian angel now dahil dalawang beses mo na akong sinalba. Una noon sa aksidente at ngayon naman sa pang-iintriga ng mga babae sa party mo. Siguro nga may pagka-bad ass ka o masungit pero naniniwala akong mas lamang 'yung kabutihan sa puso mo."

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon