CHAPTER FIFTY
Loving Can Hurt
Our first day in Batanes was spent in the southern part of the place. Hindi natigil sa paghawak sa aking kamay si Asher simula nang mapunta kami sa Chawa view deck. Doon palang ay wala nang pagsidlan ang tuwa sa aking dibdib. It was a surreal feeling. Noon naalala kong tanging sa mga postcards na ibinibigay ni Doctor Ramirez ko lang nakikita ang lugar na ito pero ngayon, nasa harapan ko na.
Napapihit ako kay Asher na kasalukuyang nakayakap sa akin galing sa likuran.
"It's beautiful..." maluha-luha ko nang sambit.
"You are beautiful." sagot niyang dahilan ng pag-iinit ng aking magkabilang pisngi.
"Asher naman."
"What?" he chuckled.
Pinigilan kong mapapikit nang haplusin niya ang aking pisngi at kalabanin ang hanging isinasayaw ang ilang hibla ng aking buhok.
"Isn't this the best place we've ever been to?" tanong ko.
Umiling siya.
"Lahat ng lugar best place para sa akin basta kasama kita. Kahit saan pa because you make everything perfect for me."
Napanguso ako at nahihiyang napayuko at umikot nalang ulit para titigan ang kabuuan ng lugar. Ito palang ang una naming nabibisita pero nag-uumapaw na ang tuwa sa aking puso. This is one of my childhood dream. Noong bata pa ako, ni hindi ko naisip na isang araw ay makakaalis pa ako sa hospital at bahay.
My Mom was the one who's been over-protective of me. Hindi ako pwedeng umalis ng walang kasama at body guard noon lalo na nang mag-umpisa akong mag-aral sa normal na paaralan. Naalala kong ilang pilit ang ginawa ko sa kanya para lang huwag na ako i-home school dahil gusto ko ring ma-experience ang mga nagagawa ng mga normal na batang napapanuod ko sa TV. Eventually, it was Dad who convinced her to let me do what I want. Siya ang pinaka-kunsintidor sa akin sa pamilya ko at tanging hiling lang ay ang lahat ng kasiyahan ko and I am so lucky to have him. Tingin ko ay alam ni Daddy ang lahat ng nararamdaman ko kaya lahat ay oo ang tanging sagot niya sa akin kahit pa ngayon.
Maswerte rin ako dahil sa pagsusumikap niya ay nabigyan niya ng magandang buhay ang aming pamilya. He provided for our needs and wants at marami pang iba. I'm glad that God assigned him to be my father because I can't think of anyone who's capable of doing it. Masyado akong magastos at kung hindi lang may kaya ang pamilya namin ay siguro'y apat na buwan palang ako ay wala na ako rito sa mundo. I thank God everyday for the gift of life at habang buhay ko ring pasasalamatan si Daddy sa lahat ng sakripisyo niya maibigay lang ang lahat ng gusto ko.
I gasp when the wind dances with my hair kasabay ng paglapit ni Asher sa kanyang mukha patungo sa aking leeg.
"Are you happy?" malambing niyan bulong sa aking tenga.
Marahan akong tumango at pinisil ang kamay niyang nakapirmi sa aking tiyan.
"You don't have any idea how happy I am right now, Asher. Thank you... Thank you for being a huge part of my happiness."
"It's my pleasure to make my baby happy."
Hinawakan ko ng mas maayos ang kanyang kamay para iyakap sa akin ng mas mabuti.
We continued our tour in the south pero hindi namin natapos lahat dahil ayaw niya akong mapagod ng sobra. Bumalik kami sa Fundacion Pacita, ang aming hotel na tinutuluyan at doon na kumain at nagpalipas ng gabi.
We resumed our tour in the South the next day. Nagsimba kami sa San Carlos Borromeo before we headed to Tayid lighthouse and Rakuh A Payaman. Kahit na hindi kailangan, Asher made sure that he captured every scene with me. Hindi siya natigil sa pagkuha sa akin ng video habang aliw na aliw sa kagandahan ng lugar. Kahit na madali akong mapagod, hindi ko napigilang magtatatakbo sa kulay berdeng burol pababa at patungo sa mga bakang nakapastol. Asher was running after me and we were laughing the whole time.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
Ficción GeneralEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...