CHAPTER 28

16.5K 748 180
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

Beautiful


Nakangiti kong nilagyan ng check ang gilid ng isang listahang ginawa ko. Bago ako umalis noon sa Manila ay naglista ang ako ng mga bagay na gusto kong gawin. I already did eight out of twenty seven sa halos dalawang buwan na paglalakbay. Marami pa akong naiisip na gusto kong gawin at kapag napag-isipan ko nang mabuti ay idadagdag ko ulit.

"Learn how to play a sport. Done!" magiliw kong hinaplos ang mga bagay na nalagyan ko na ng check.

I'm actually proud of myself. Parang kailan lang ay nakakulong ako sa bahay at halos walang ibang kayang gawin dahil ang lahat ay isinusubo na sa akin. I never did something risky back then. Nagpapasalamat talaga akong pinayagan ako ni Daddy na gawin ang lahat ng ito. Alam kong mahirap para sa kanya pero nananatili ang suporta niya sa akin dahil alam niya kung gaano kahalaga ang kasiyahan.

"What's that?" napatalon ako ng marinig ang boses ni Zyd galing sa aking likuran.

Madali kong isinara ang hawak kong planner sabay lingon sa kanya. Katatapos lang niyang maligo at ngayon ay mag-aayos na ng gamit bago kami magpahinga. Ako naman ay kanina pa natapos sa pag-eempake.

"Wala."

"Weh?" tinabihan niya ako at inginuso ang hawak ko.

"Planner o listahan ng utang 'yan?" pagbibiro niya.

"Wala 'to. I just listed random things that I want to do in this journey."

Binuklat ko at ipinakita sa kanya. Nakangiti niya iyong binasa.

"Wow... You're actually ticking your bucket lists, huh?"

"Yes."

"Industrial ear piercing?"

I nodded. Naningkit ang mga mata niya.

"Are you sure about this one? Masakit 'yon."

Napabungisngis ako.

"I know what's pain Zyd at walang wala ang hikaw na 'yan 'don." makahulugan kong sambit.

Napanguso siya.

"Fine. Pero make sure na safe ang ganyan ha? Hmm, what else do we got here..."

"Just go with the flow? What was that supposed to mean?'

Nagkibit ako ng balikat. "I don't know. I just write it." bago pa niya mabasa ang lahat ay kinuha ko na 'yon mula sa kanyang kamay.

Mabuti nalang at hindi naman siya nagpumilit. Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay kumain kami at nagpahinga na ulit. Medyo pagod kami ngayong araw dahil pagkatapos akong turuan ni Asher kanina ay bumisita naman kami sa Rancho hanggang hapon.

AsherTan:

You're checking out tomorrow?

Ako:

Yes, kayo ba?

AsherTan:

I don't know. Baka hindi pa. Anong oras kayo aalis?

Ako:

Early in the morning.

AsherTan:

Earlier than the sunrise?

Wala sa sariling napangiti ako.

AsherTan:

Do you want to watch the sunrise tomorrow before you leave?

Ang plano sana namin ni Zyd ay bago pa sumikat ang araw kami aalis pero ngayon... Paano ko tatanggihan ito?

Ako:

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon