CHAPTER 8

20.2K 647 64
                                    

CHAPTER EIGHT

Habang Buhay May Pag-asa


Pagkatapos ng lahat ng plano namin ni Zydney ay nagsimula na ako sa pag-upload ng aking mga video kung saan unti-unti kong ipinapakilala ang aking sarili at sinasagot ang mga katanungan ng ilan sa comment section.

"I've decided..." Sandali akong natigil para huminga ng malalim. "The day after tomorrow will be the start of my vlogging career. I know. It's weird because I'm already into this pero hindi pa kasi siya totally na nagsi-sink in sa utak ko. I don't know if my next videos will still entertain you guys but I will try."

Umayos ako ng upo. Inayos ko rin ang aking buhok bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"It's official. Dahil sa mga requests ninyo, sa mga susunod na bukas ay sisimulan ko na ang paghahanap kay Asher," Itinaas ko ang aking magkabilang kamay upang kumumpas ng quotation marks. "Or Mr. Right. But you guys... I don't want to romanticized everything because I personally don't know the guy and his life so let's don't expect for anything, okay? Isa pa, Oh God I hate to say this but to be honest, I'm not really after any relationship right now. Yes I may have been single since forever but I don't think that I want to be in that position because there's so much going on in my life right now. Marami rin akong gustong gawin at wala sa listahan ko ang pagkakaroon ng boyfriend at ayaw ko rin kayong paasahin. Gagawin ko lang ito dahil unang una, request ninyo at pangalawa ay gusto ko siyang pasalamatan ulit."

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita na hindi ko na naiisip na weird ang ginagawa ko. Pakiramdam ko kasi sa tuwing ginagawa ko ito ay para na akong mayroong kaibigang mahihingahan ko sa lahat ng problema ko sa buhay.

Pagkatapos kong mag film ay in-upload ko rin iyon kaagad at gaya ng mga nauna, marami pa ring tumangkilik doon. Nakakamangha man na ganito kabilis pero gaya nga ng sabi ni Zydney, dapat ay ipagpasalamat ko nalang ito dahil totoong biyaya ito para sa akin.

Pagkatapos kong mag film ay pinuntahan ko naman si Daddy sa kanyang opisina para sabihin na ang mga plano ko.

"Karsyn..."

Napalunok ako ng marinig ang bagsak niyang boses nang matapos ako. I know this is hard for him but what can I do?

"Daddy, this is what I want to do right now."

Nakita ko ang marahas na pagbuntong hinga niya habang ang kanyang mga mata ay nakitaan ko na rin ng pagkabigo.

"What have I done, Karsyn? Alam kong marami akong pagkukulang-" Mabilis akong tumayo para tumabi sa kanya kaya natigil siya sa pagsasalita.

"This has nothing to do with you, Dad. Ito lang talaga ang gusto kong gawin sa ngayon. I know hindi madaling tanggapin sa ngayon na ito lang ang gusto ko. Na road-trip at liwaliw lang sa ngayon ang plano ko sa buhay ko but this is what I really want."

Nakipagtitigan ako sa kanyang mga matang puno pa rin ng lungkot.

"I'm sorry if I failed to be your father, Karsyn."

"Dad, hindi!" Maagap kong sagot. Pinilit kong ngumiti kahit na sa totoo lang ay bigla akong nalungkot dahil sa pagtingin niya ngayon sa kanyang sarili. "Daddy, you are an amazing father to me and I wouldn't trade that for anything. Huwag mong isipin na kaya ako ganito ngayon dahil nawalan ka ng oras sa akin at hindi ako natutukan. Hindi, Dad. It's just that there's so much going on in my life right now and I won't get answers if I just stay here. I need to be out there, Dad. I need to explore things on my own and discover myself more. Walang kinalaman ang pagiging busy mo sa desisyon ko, okay?"

"Hija..." Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ng marahan ang aking buhok.

"I'm not asking your permission, Dad. Narito ako para magpaalam sa'yo but we'll still get in touch, okay? You can call me if you miss me at ako rin. Tatawagan kita palagi kasi palagi naman kitang nami-miss."

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon