CHAPTER 22

21.6K 796 148
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

Carpe Diem


Kahit na hindi ko naiintindihan masyado kung paano ang tamang pagpalo sa mga damit at pagkusot ng may tunog at mabula dahil naiwan na ang utak ko sa mga sinabi ni Asher ay mukhang nagawa ko pa rin namang palinisin ang tatlong maliliit na damit ng mga bata. Sa pagtagal ay natutunan kong kailangan lang ng maraming sabon para mas mabula. Mas mabula para malinis.

"Okay ka lang po?" tanong ng dalagang si Gloria dahil kahit na tuwang tuwa ako ay mahirap rin pala talaga ang paglalaba.

I never thought that this task would require so much effort lalo na't may kadungisang taglay ang mga damit na nakuha ko. Isipin mo, halos isang oras na akong nagkukusot ay tatatlo palang ang natapos ko at ang pang-apat ay hindi ko na mabitiwan dahil sa isang may kalakihang kulay brown na dumi sa sandong puting kanina ko pa kinukusot.

"I'm fine," sabi ko sabay punas ng pawis sa aking noo.

Nilingon ko si Asher at ang mga lalaking wala nang nagawa kung hindi ang tulungan kami dahil sa utos ni Asher kahit pa ilang libo na ang pagpupumigil ni Aling Anchita. Ibinalik ko kay Gloria ang tingin ko bago dagdagan ang mga sinasabi.

"Ang hirap lang kasi nitong isa, ayaw matanggal 'yung dumi." piniga ko ang damit at inangat para ipakita kay Gloria pero sa hindi ko malamang dahilan ay kumawala ang tawa niya kaya napalingon sa amin ang lahat.

Natawa na rin ang mga katabi niyang babae kaya hindi ko napigilan ang paglukot ng mukha ko.

"Ate Karsyn, kalawang na 'yan at hindi na talaga 'yan matatanggal sa kusot lang at bareta. Kahit abutin tayo ng dilim hindi na 'yan mawawala."

Sa kabila ng hagikhikan nila ay nakaramdam ako ng panlulumo. Totoo? Wala ng pag-asa ang ganito?

"P-Pero marumi."

"Karsyn, huwag mo na masyadong palinisin 'yan dahil mga mantsa na 'yang lahat," tumayo at lumapit si Aling Anchita sa akin at kinuha ang damit. "Ako na ang bahala rito."

"Pero sa commercial natatanggal lahat sa isang pasada lang, Aling Anchita. Baka kulang lang po ako sa kusot."

Lumakas ang tawanan nila dahil sa kainosentehan ko. Nahihiya naman akong napayuko.

"Kasinungalingan iyang mga commercial ng sabon. Walang ganoon dahil ang totoo, walang mantsa ang nawawala sa isang lublob lang."

Bigo akong napanguso. Kasinungalingan pala ang mga commercial... Kung sabagay, that's business. Naisip ko tuloy ang mga commercial ng pagkain na kapag nasa restaurant ka na ay malayong malayo na sa ipinapakita sa TV. Huminga ako ng malalim at doon na sumuko.

"O siya, tama na muna 'yan." aniya pagkatapos ay sinulyapan kaming lahat. "Kumain na muna tayo." inginuso niya ang mga pagkaing galing sa resort na dala ng mga tauhan ng mga Tan kanina.

Inalalayan ako ni Asher ng magsitayuan na ang lahat. Pagod kong ininat ang aking katawan at sandaling nag-stretching dahil grabe, hindi ko talaga akalaing mapapagod ako sa ilang kusot lang!

Muli akong yumuko para banlawan ang kamay kong may mga bula pa, namumula ang mga 'yon pero hindi naman masakit. Parang mas masakit pa nga sa isipan kong hindi ko pala kakayanin kung araw-araw ang ganito pero sila, kahit mahirap at siguro'y ayaw nila ay wala naman silang magawa.

"You alright?"

Tumango ako kay Asher pero muli akong napanguso ng makita ang mga damit na natapos niyang gabundok na gaya ng ibang parang maning mani lang sa kanila ang ginawa samantalang ako... I'm a loser.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon