CHAPTER FORTY THREE
Dreams And Expectations
"You what?!"
Kahit na gusto nang kumawala ng malakas na tawa ko ay pinilit kong maging pormal sa kanyang harapan. Sinundo niya ako sa aking kwarto pero dahil sa plano kong gantihan siya sa ginawa niya sa akin noong nasa Matarik ay medyo made-delay kami sa pag-alis.
Pinigilan kong sulyapan ang camerang sinet-up ko sa tagong side ng kwarto para hindi niya makitang pinagti-tripan ko lang siya. I want to get him back noong pinaiyak niya ako at pinag-alala. Parang gusto kong tawagan si Ansel at pasalamatan dahil kung hindi sa kanya ay hindi ko 'to maiisip.
"Oo... He was inviting me for lunch kaya hapon nalang tayo aalis."
"No freaking way!"
Kinurot ko ang sarili ko gaya nang ginawa ko noong magpanggap akong nabuntis niya para lang malungkot ako at mapigilan ang malakas na pagtawa.
Simula palang nang sabihin ko sa kanyang kunwaring ini-invite ako ni Ansel ay hindi na naipinta ang kanyang mukha.
"Listen to me first," umangat ako sa kama at hinuli ang kamay niya para igiya siya sa tabi ko.
I did that so the viewers can see his pissed face. Oh God! Kinakabahan ako pero alam kong maraming matutuwa unang una na ako at mga kaibigan niya.
"Kasi sabi niya, bibigyan niya ako ng mangga–"
"I can freaking buy all the mangoes in this land for you, Karsyn Sy! Hindi mo kailangang makipagkita sa lalaking 'yon dahil lang sa mangga."
Ngumuso ako.
"Pero sabi ng asawa ni Gov, sa bahay lang nila mayroong masarap na mangga."
"She's lying. Pare-parehas lang ang mangga, Karsyn. Halika't simulan nating tikman lahat–"
Hinila ko siya pabalik sa kama nang subukan niya akong igiya para gawin ang sinasabi.
"Wait! Kasi... Sabi rin ni Ansel, may ibibigay pa siyang iba. Regalo niya sa akin kaya niyayaya niya akong mag lunch date–"
"Date his ass!"
"No, wait! Listen to me first." agap ko sa gitna nang gusto nang pagbulahaw ng aking tawa.
"No, baby! No fucking way! I will never let you see that guy again."
"Why not?"
"Because I said so!"
"Give me a reason." I demanded.
Sa inis ay hindi niya napigilang pamewangan ako kahit na nakaupo.
"I don't trust that guy at hindi kita basta nalang pwedeng ipagkatiwala sa iba." pagdadahilan niya habang gigil na ikinukumpas pa ang kamay sa ere.
"I'll be fine."
"Kung gusto mo talaga, isama mo ako."
"H-He said..." I bit my lip and paused.
Hindi dahil sa wala na akong maisip pero dahil talagang parang hindi ko na kakayanin ang ganito. Ngayon palang ang gustong gusto nang humalakhak sa mukha niyang hindi na maipinta sa pagkalukot.
"He said he want us to be alone."
"And you want to be alone with that guy?!"
"He is nice and–"
"He is not! Bakit gusto niyang mapag-isa kayo, huh? Baby, you're not thinking clearly." nabuwal ang kamay niya sa kanyang bewang para ikumpas ang mga iyon sa kanyang sintido at ere para ipagdiinang hindi ako nag-iisip ng matino.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...