CHAPTER SEVEN
His Purpose Prevails
"What's your plan na ba, Hija?" Tanong ni Tita Rosel sa akin, ang mama ni Zydney habang nasa hapag kainan kami.
Hindi na ako nakaiwas dahil sila na mismo ang bumisita sa akin dahil ang sabi ni Zyd ay nag-aalala rin ito dahil sa pananahimik ko at sa pagpiling huwag nang ipagpatuloy ang pangarap na maging doctor.
Tinapos ko ang laman ng aking bibig bago siya sagutin.
"Magpapahinga lang po muna Tita tapos bahala na."
Nagkatinginan si Tita Rosel at ang asawa nitong si Tito Lucio dahil sa naging sagot ko. Wala sa sariling napatingin ako kay Zydney na inilingan ako.
"Mom, nagpapahinga lang si Karsyn. Hindi biro ang trauma pagkatapos ng aksidente. Hayaan na muna natin siyang magpahinga hanggang sa kaya na niyang isipin ulit kung ano talaga ang gusto niyang gawin." Mahabang pagsalba sa akin ni Zyd.
Nakita ko ang pagtaas baba ng paghinga ni Daddy na mukhang naintindihan at sinang-ayunan kaagad ang pinsan ko.
"Just let her figure herself out, Rosel." Si Daddy.
"Menardo, this is your daughter's future. Hindi naman pupwedeng ganyan-"
"Dad!" Maagap na suway ni Zydney sa kanyang ama.
Napapikit ako dahil sa naging takbo ng sana'y masayang pagkakataong ito. Naiintindihan ko naman kung saan sila nanggaling. Noon kasing ginusto kong maging doctor ay sila ang unang sumuporta sa akin dahil naniniwala silang kahit na taliwas iyon sa dapat kong pasukin gawa ng mga negosyo namin ay maganda rin iyon para sa kinabukasan ko kaya ngayong wala na akong plano ay hindi lang si Daddy ang na-disappoint ko, maging ang mga magulang rin ni Zyd.
"Karsyn-"
"Dad, enough already please! Tama na. Can we just talk about something else? Huwag niyo nang pilitin si Karsyn kung anong plano niya dahil hindi niya pa alam, okay? Huwag tayong magmadali at makialam."
Pinagdiin ko ang aking labi ng sulyapan niya ako gamit ang mga matang punong puno ng pagpapaumanhin.
"It's okay, Zyd."
Tinanggal niya ang tingin sa akin at binalingang muli ang mga magulang. I thank God for giving me Zydney. Siya ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang loob ko at malawak ang pang-unawa ko sa mga bagay. Alam kong kung hindi rin dahil sa kanya ay baka tuluyan na rin akong nagpakain sa depresyon gawa ng sunod-sunod na pagkaubos ng pamilya ko. Kung wala si Zydney ay hindi ko na alam kung paano pa haharapin ang mga bukas na dumaraan sa akin. I thank God everyday...
Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na nasundan ang pang-uusisa nila dahil sa pinsan ko. Dumiretso naman kami ni Zyd sa aking kwarto at hindi na sila pinakialaman sa pagpunta sa opisina ni Daddy.
Ilang beses humingi ng tawad sa akin si Zyd dahil sa pangingialam ng kanyang mga magulang pero wala akong masabi kung hindi 'ayos lang at naiintindihan ko'.
Seven million views and unending comments...
Wala sa sariling napatingin ako sa bagay na kinuha namin ni Zydney sa hospital noong isang linggo.
Muling pumasok sa isip ko sila Mama. Umulit sa utak ko ang mga katagang 'Life is short' at ang mga katanungang ano ba talaga ang gusto kong ma-achieve sa maiksing buhay na ito.
Tama si Zyd. Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na plano ko nang gawin bago pa ang aksidente, paano ko pa malalaman kung ano talaga ang purpose ko sa mundo? Hindi ko na rin madidiskubre kung ano ang mga bagay na tunay na magpapasaya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...