CHAPTER 18

18.7K 755 90
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Angel


"A-Asher-"

Mabilis kong naitikom ang aking bibig dahil imbes na itigil niya ang ginagawa ay marahan niyang pinihit ang camera patungo sa aking gawi. Ramdam ko ang pamamasa ng aking kamay dahil sa sobrang kabang nararamdaman ngayon! I feel like I can hear Zydney's voice screaming in my ears!

Napalunok ako ng ngitian ako ni Asher pagkatapos ay hindi na inalis ang titig sa akin. Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa aking kinauupuan ng makita ang pagpawi ng kanyang mga ngiti at pagpalit ng seryoso niyang ekspresyon.

"And she's an angel..." he said with so much admiration in his eyes.

Tuluyan kong naitikom ang aking bibig dahil sa mga sinabi niya pero bago pa ako magmukhang tanga sa camera ay pinatay na niya ang live habang nakatitig pa rin sa akin. Inasahan kong babawiin niya ang mga sinabi at amining palabas lang ang lahat para sagutin ang mga katanungan ng mga naghihintay na muli siyang makita pero hindi iyon nangyari.

Kinuha niya ang aking kamay at pagkatapos ay marahang inilapag pabalik doon ang aking telepono.

"Angels are real." muli niyang sambit pagkatapos ay tumayo na at tipid akong nginitian bago ako tuluyang iwan.

Natalo ng tibok ng puso ko ang malakas na alon na humahampas sa dalampasigan. Natalo ng utak ko ang hanging kanina lang ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Magulo, maingay at hindi ko na alam kung paano pa pakakalmahin ang sarili kahit na wala na siya sa paningin ko. Ilang beses tumunog ang aking cell phone pero ni hindi ko 'yon maatupag.

Ilang minuto pa akong nanatili sa gano'n hanggang sa tuluyan akong matauhan ng makita ang pagsulpot ng mga lalaking mga naka-topless pa habang naglalakad patungo sa gawi ko.

Ilang beses akong napalunok hindi dahil sa mga nakabalandra nilang mga katawan kung hindi dahil sa isiping palapit nga sila sa akin! Though wala naman si Asher at ang mga pinsan niya, hindi ko pa rin naiwasan ang kaba.

Nangunguna sa mga ito ang dalawang lalaking kanina lang ay sinisita ko dahil nag-aaway sa hapag. Nauna si Amos na umupo sa tabi ko habang si Ivan naman ay nanatiling nakatayo kasama ang iba pang pumalibot sa akin. Pakiramdam ko ay kahit na wala ako sa dagat at kahit na marunong naman akong lumangoy ay para akong nalulunod ngayon dahil sa mga presensiya nila.

"Sorry kanina, Karsyn." ani Amos matapos akong batiin ng mga lalaki.

Inayos ko ang mga gamit ko at kahit na hindi pa ako naka-move on sa nangyari kanina sa pagitan namin ni Asher ay nagawa ko pa ring hilahin pabalik sa kasalukuyan ang aking katinuan.

"Wala 'yon. I'm sorry kung medyo pakialamera ako-"

"Nah, it's our fault." pagpuputol naman ni Ivan sa aking sasabihin. Nilingon ko siya at nginitian rin.

"Sorry." he said.

"It's fine."

"Gano'n lang talaga kami, Karsyn. Tama si Asher, dapat inisip ka namin kanina. In behalf of these two, gusto rin naming mag-sorry sa'yo." si Lance naman.

Muli akong ngumiti.

"I understand. Okay lang."

"Hayaan mo, simula ngayon iisipin na muna namin lahat bago kami magsasalita. Lalo na mukhang marami pang beses ka naming makakasama." si Trystan naman ngayon na hindi ko na maabot ang tuwa dahil sa kung anong ibig sabihin.

Tumayo na si Amos sa tabi ko kaya hindi na ako nakapagtanong kay Trystan. Ngumiti naman ang iba pang lalaki.

"We're playing volleyball, do you want to join us?" anyaya ni Thiago habang si Sergio naman ay ipinakita ang bolang kanyang hawak.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon