CHAPTER 5

25.6K 737 65
                                    

CHAPTER FIVE

Life Changing Event


"Are you sure you don't want to go out with me today?" Tanong ni Zyd sa akin pero imbes na sagutin siya ay muli kong binalot ng kumot ang aking katawan.

Sunod ko nalang naramdaman ang pagyugyog ng kama dahil sa pag-upo niya.

"Karsyn, it's been five days. Sigurado ka bang gusto mo nalang magmukmok dito?"

"I'm tired."

"Hanggang ngayon?!"

"Uh-hmm." Ungot ko.

"Karsyn naman!"

"Umuwi na ba si Dad?"

Natigil siya sa pagyugyog.

"K-Kahapon yata umuwi."

"Okay." I heard her sigh.

"Come on, KF... Labas naman tayo." Aniya sa boses na punong puno na ngayon ng pagmamakaawa.

Ang plano kong buong araw manatili sa kwarto ko gaya ng mga nagdaang araw ay hindi ko hahayaang mapurnada niya kaya umahon na ako sa pagkakahiga para harapin siya.

"I'm tired, Zyd. Isa pa, hindi ko alam kung handa na ba ako ulit na lumabas sa bahay. Alam kong sinabi ko namang susubukan ko pero hindi ko pa kaya. I'm still being haunted by the accident. Naiisip ko palang na lalabas ako sa bahay ay naiisip ko na 'yung nangyari. What if mangyari ulit? I couldn't handle another death, Zyd."

"You are thinking too much, Karsyn," Umayos siya ng upo paharap sa akin at hinuli ang aking kamay.

"What if today is going to be a good day? What if today is the day where your life is going to change for the better but you're missing the opportunity because you are still letting your thoughts be stuck on the accident? Karsyn, it's just one accident. It happens. People die but that doesn't mean that it's the end of the world for you. You see, someone saved you. Ibig sabihin hindi mo pa oras dahil buhay ka pa. You are lucky."

"Zyd..."

"Kung may dapat kang isipin sa pagkakataong ito na galing sa aksidente ay kung ano ang dahilan at bakit hanggang ngayon ay narito ka pa rin. You should thank God for that."

"I am thanking him every single day-"

"Alam ko pero hindi mo naman ginagawa ang mga dapat mong gawin sa bagong buhay mo. Hindi ba gusto mong mahanap kung ano ang kasiyahan mo? Kung ano ang gusto mo pang gawin? You said it yourself, life is too short. Tama ka do'n at bagong buhay mo na ito! Not all are given another chance to live."

Napalunok ako lalo na ng makita ang nag-uumapaw na determinasyon sa kanyang mga matang gusto akong gisingin sa lahat ng pagkalunod ko sa aksidente.

"I know and you're right."

Nakahinga siya ng maluwag. "Saan banda do'n?"

"The last part. Not everyone are given another chance to live. Sila Kuya... Si Mommy, si Katie, ang buntis at ang anak niya..."

Ang lahat ng kaluwagan sa kanyang mukha ay madaling napawi dahil sa sinabi ko.

"Karsyn, that's not what I mean-"

Pinagdiin ko ang aking labi at saka siya nginitian.

"It's okay, Zyd. Nakuha ko naman ang gusto mong sabihin."

Naitikom niya ang kanyang bibig at ang pagpisil sa aking kamay ay tuluyan na ring nahinto. Gaya ko ay hindi ko na ulit alam ang dapat ko pang sabihin sa kanya. Hindi ko rin kasi akalaing mas lalalim ang usapan naming ito. Naiintindihan ko namang nag-aalala lang siya sa akin at tama naman ang mga sinabi niya pero sadyang wala pa talaga ako sa normal kong sarili. I think that I still need to rest and contemplate about life.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon