CHAPTER 17

20.6K 985 240
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Heal


"That's a wrap guys!" Masaya akong naupo sa lounger pagkatapos i-film ang kabuuan ng lugar.

Inayos ko ang lente ng camera paharap sa akin para sa mga huling salita kong pamamaalam. Buong puso akong ngumiti.

"Today is a good day and I'm happy and honored dahil nakasama ako sa araw na ito ng buhay ninyo. I know life is not always that good and sometimes it can be ruthless. May mga problema at lungkot na mahirap iwasan at intindihin but I want you all to know that it is okay. It's okay to feel tired. It's okay to feel sad. It's okay to cry and be weak, but I still pray for the day that all of you will fall in love with being alive despite of all the negativity. I hope you fall in love with the gift of life and realize that there's so much more to it." matamis at dahan dahan kong sambit saka ako ngumiti sa harapan ng camera.

Inayos ko ang aking buhok na patuloy na inililipad ng pang hapong hangin. Inilagay ko sa likod ng aking tenga ang isang gawi at humarap sa direksiyon ng hangin para mas maayos ang hitsura ko sa kanila.

"Psalm 34:18, the Lord is near to the brokenhearted, and saves the crushed in spirit. So seek and you will find him. Talk to him because he always listens," wala sa sariling napapikit ako para simulan ang hindi ko akalaing magagawa ko ngayong araw. "Lord, please heal our broken hearts. Fill us with peace and joy that I know can only come from you. Wipe our tears and strengthens us. Let no evil come to your children, o Lord. Heal our hearts and hold us up today, tomorrow and the rest of the days to come. Amen!" sa pagdilat ko ay muli akong ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Be safe and may God bless us all always!" kumaway pa ako bago tuluyang putulin ang pagri-record no'n.

Hindi nawala ang aking ngiti kaya ng umihip ang hangin ay parang umabot na iyon sa aking tenga. Pakiramdam ko ay kahit wala akong lungkot na nararamdaman ngayon ay naging fully-healed ako sa ginawa kong dasal para sa mga taong nasasaktan at malungkot sa mga araw na ito.

Pumikit ako at dinama ang hanging  patuloy akong dinadaluhan. It feels good to pray for someone who's hurting. Oo nga at hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam ng mga pinagdadaanan nila o kung paano ko sila matutulungan para mawala iyon kaagad but I feel like that's the best way to help them.

Isa sa mga natutunan ko kasama si Zyd ay kung gaano ka-selfless ang pagmamahal ng may kapal. We are all his children and if we just believe and seek for his kingdom and glory, we will find it. Hindi man ako perpekto, masayahin man ako't positibo palagi pero minsan ay hindi ko rin naman maiwasan ang malungkot at masaktan lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga nawala kong mahal sa buhay.

Kahit na masayahin ako sa harap at likod ng camera ay nananatiling may uka sa puso ko because of their death and I know that it will never go away. The pain will still remain kahit na gaano katagal na panahon pa ang lumipas. Gayunpaman, I still choose to be happy. Parte na ng buhay ang mga kalungkutan at pagkabigo pero ang pinaka-mahalaga naman sa lahat ay kung paano tayo lumalaban. Kung paano natin nagagawang maging positibo sa kabila ng lahat ng negatibo sa mundo. Iyon ang pinaka-importante sa lahat.

"That was nice of you, Karsyn."

Marahas akong napadilat ng marinig ang boses na 'yon. Sa paglingon ko sa aking likuran ay agad kong nakita si Asher na nakatayo doon habang nakapamulsa. Sa hitsura niya ay parang kanina pa niya ako pinapanuod pero hindi lang ako malapitan dahil sa ginagawa ko.

Nahihiya akong ngumiti at umayos ng upo. Tatayo na rin sana ako pero natigil ako sa paggalaw nang siya ang umupo sa harapan ko.

"You really love saying bible verses, huh?" kuryoso niyang tanong na agad kong tinanguan.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon