CHAPTER THIRTY FIVE
Grudge
"Zyd!" parehas kaming umiiyak nang salubungin ang yakap ng isa't-isa.
"Are you okay? Tell me you're okay."
"I'm okay. I'm okay." paulit-ulit kong sabi.
Iginiya niya ako pabalik sa kama na ilang oras kong hindi iniwan habang hinihintay siya. Hindi ako kumain dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ang katawan kong kumilos.
"Totoo ba ang lahat ng 'yon?"
Pinisil niya ang aking kamay at saka lumayo. Tumango naman ako. Alam kong alam niyang totoo 'yon pero gusto pa ring sa aking manggaling.
"Napanuod mo?'
"Oo pero ayaw kong maniwala. I still can't believe it. Hanggang ngayon hindi ko alam ang dapat kong sabihin. I'm sorry."
Pinilit kong ngumiti at ako naman ang pumisil sa kanyang kamay.
"Wala kang kasalanan, Zyd. Dapat nga akong mag thank you sa'yo dahil narito ka at dinadamayan ako kahit na alam kong busy ka sa university."
"Ipagpapalit ba naman kita do'n? Kaya kong umulit ng buong semester basta masiguro ko lang na ayos ka. Are you really sure you're okay? Walang masakit? You're really, really okay?" diniinan niya ang mga huling salita.
Pagod na nalaglag ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak.
"I'm okay. I'm just... sad."
"Sinaktan ka ba ng babaeng 'yon?"
"Hindi sa pisikal."
"Oh, Karsyn..." muli niya akong niyakap kaya muli ko ring nakagat ang aking labi.
Ayaw ko nang umiyak. Masyadong overrated 'yon at nakakapagod. Sa ngayon ay gusto kong pagnilayan ang mga nangyari. Gusto kong intindihin ang sitwasyon, si Asher. Ano ang dahilan niya bakit niya ginawa sa akin 'to? Totoo bang gusto niya lang akong gantihan? Kasi kung oo, hindi sana siya ang namamahala ng mga negosyo nila. Kung totoong ganti lang ang lahat, sana hindi siya business man kung hindi artista because everything seems genuine. Hindi ako nagduda kahit minsan... Muntik pa nga akong mahulog, eh. Muntik na muntik na.
"Do you know where he is? And that girl?"
"Iniwan ko na sila kagabi. I didn't text or call him back. Gusto ko lang magpahinga. Gusto ko lang lumayo sa kanila at 'yon ang ginawa ko."
"Pupunta ako sa resort na 'yon mamaya. Ako na ang kukuha ng mga gamit na naiwan mo at ako na ang haharap sa dalawang 'yon."
"Zyd..."
"We can't wait any longer. Kailangan nating lumayo sa kanya nang malayong malayo. This is for you. Alam kong gusto mo na ring umalis rito at 'yon ang gagawin natin, okay?"
Tumango nalang ako. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakain ngayong araw. Kahit na kaunti ang nakain ko dahil wala akong gana ay ayos na rin kaysa wala.
"The issue is still blowing up." maya maya'y sabi niya matapos magpahinga sandali at mag-ayos ulit para puntahan na ang resort na iniwan ko.
Taliwas ang ginawa ko sa ginagawa niya ngayong pagtingin sa internet. Hindi pa ako handang makita kung ano ang sinasabi ng mga tao pero hindi naman nakaligtas ang tenga ko sa aking pinsan.
"Everyone hates him. They're bashing him and he deserves it."
Hindi ko ginatungan ang galit niya. Alam kong mali ang ginawa ni Asher pero ang magkaroon ng judgement ang ibang tao labas sa aming dalawa ay tingin ko'y sobra na. Lahat ng tao ay may dahilan at kahit masakit malaman ang katotohanan sa mga ginawa niya, alam kong kaya ko pa rin naman siyang pakinggan at patawarin. Hindi nga lang ngayon.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...