CHAPTER THIRTY
Serendipity
Pakiramdam ko ay nalunok ko na pati ang dila ko sa ilang beses kong paggawa no'n. Now this is real. Hindi nalang basta pakiramdam at sabi ng iba kung hindi totoong sinasabi na niya at ipinapahiwatig sa akin.
I should know. Sana naghanda ako sa pangyayaring ito pero posible ba talagang mapaghandaan 'yon? I guess not.
"Asher..."
Hindi siya nagsalita bagkus ay pinisil niya lang ulit ang kamay ko.
"I-I... Don't know what to say..." buong katotohanan kong sagot.
Again, I just experienced a 'first time' in my life. Oo nga at hindi naman na bago sa akin ang mga lalaking humahanga pero ang ganitong harap-harapang ipahayag ang nararamdaman ay kahit kailan hindi ko inasahan.
May tama nga bang sagot do'n? Kung pwede nga lang i-describe kung gaano nagwawala ang puso ko ay iyon nalang ang sasabihin ko pero kasing hirap iyon nang pagre-react sa pagpapahayag niya ng saloobin.
Ngumiti siya at pagkatapos ay muling pinisil ang kamay ko.
"Then don't say anything," muli, gaya ng mga ginagawa niya nitong nakaraan ay ipinagsalikop niya ng mas maayos ang aming mga kamay. "I just want you to know what I feel. Wala akong hinihinging sagot, kuntento na akong makasama ka... You don't have any idea how empty I am when I'm not with you. I don't know... Hindi ko na rin alam. This is the first time it happened to me. Too bad, I didn't have a camera to record it."
Mas lalong ayaw nang kumawala ng mga boses sa aking bibig. He's so straightforward knowing na halos hindi niya pa naubos ang isang bote ng beer na kinuha niya kanina. Ni sigarilyo ngang paulit-ulit na inalok ni Ivan ay hindi niya nagawang kunin. He is brave... Braver than I thought actually kasi sinong lalaking gaya niyang tiyak na hinahabol ng lahat ng babae ang magpapahayag ng pagkagusto sa isang tulad ko nang walang pagdadalawang-isip?
Natigil kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa inabutan kami ng lahat pero wala ni isang gumalaw sa amin. Kahit man lang ang pagtago nang maka-holding hands naming kamay ay hindi ginawa, worst, parang gusto niya pa iyong ibalandra sa lahat. Mabuti nalang at mukhang may mga tama na sila at hindi man lang napansin ang posisyon namin. Maliban kay Eros na halata ang malisya sa mukhang namumula gawa ng alak at pag ngisi nito ng nakakaloko sa pinsan ay wala nang nag-react masyado.
"You owe us, Asher Miguel! Man, ngayon ka lang tumanggi sa bisyo mo!" natatawang sabi ni Ivan habang pabalik na kami sa aming mga kwarto, still, magkahawak pa rin ang kamay.
Hindi ko naman tinanggal iyon dahil bukod sa kailangan ko ng alalay sa may kadilimang daan ay ayaw ring bumitiw ng kamay ko sa kanya. Hindi ko na rin talaga alam.
"Leave the lover boy alone!" si Eros na tumatawa na, halatang sumobra talaga ang alak sa sistema.
"Dude, this is the first time kasi! Siya itong marami kung uminom palagi kaya hindi ko maipaliwanag kung anong sensiya ang nangyari ngayong gabi." si Zake.
"Pag-ibig nga kasi!" si Amos naman habang patuloy ang pagkuha ng mga litrato sa amin simula pa kanina.
"Things you do for love." komento naman ni Davos.
Nahihiya akong napayuko. Ginalaw ko ang kamay ko para sana tanggalin na 'yon baka sakaling matigil ang asaran nila pero maagap na humigpit ang kapit niya sa akin.
"Can you all shut up? You're making her uncomfortable." iritado niyang suway sa mga kaibigan na agad namang nanahimik.
Naramdaman ko ang tensiyon sa kanyang katawan na dumaloy sa akin at mas lalo iyong luminaw nang mapunta kami sa ilalim ng mga poste ng ilaw malapit sa mga kwarto at matamaan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...