CHAPTER 19

20.5K 840 108
                                    

CHAPTER NINETEEN

You Made Them Happy


"W-Wala naman Asher!" natatarantang hiyaw ng mga babaeng humawak sa akin!

Dahil sa pagkataranta ng isa ay natabig pa nito ang wine glass na nasa gilid ng lamesa na agad namang nabasag kaya ang lahat ng atensiyon ng mga taong nasa gawi namin ay mabilis na napunta sa amin.

Ilang ulit akong napalunok hindi lang dahil sa nabasag na baso kung hindi dahil sa mga sinabi ni Asher na mabilis na tumatak sa utak ko!

Nahawa ako sa pagkataranta ng magsitayuan na rin ang ilang mga babae na tila gusto ng magsitakbuhan dahil sa biglaang pagdating ni Asher. Napatayo na rin ako.

Kabado kong nilingon ang bagong dating pero ang malakas na kalabog ng puso ko ay dumoble pa ng makitang hindi lang siya nag-iisa! He's with his cousins at tiyak akong narinig rin nila ang mga sinabi nito!

Humigpit ang kapit ko sa hawak na baso ng maglakad ang mga mata ni Asher para hulihin ang sa akin.

"Are you okay?" malumanay niyang tanong sa kabila ng matigas niyang ekspresyon.

"O-Okay lang..."

Muli niyang binalingan ang mga babae.

"Who the hell are you to ask her questions like that?" para akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko lalo pa ng makita ang paglitaw ng galit sa kanyang mga mata habang lumalapit sa akin. "Who the fucking hell are you to even talk to her?" mas malakas niyang sabi sa mga ito kaya mas lalong namutla ang mga babaeng nasa harapan ko.

"S-Sorry Asher! We're just-"

"Get lost," tinitigan niya isa-isa ang mga kaharap. "All of you."

Hindi ako nakapagsalita kahit na gusto ko siyang pigilan sa gusto niyang gawin sa mga babae pero naunahan na ako ni Jacob at Eros na punahin ito.

"Bro, that's enough," hinarap ni Jacob ang mga babae. "Sorry, lumipat nalang kayo sa ibang table-"

"No, Seth. I want them gone. Tapos na ang party para sa kanila."

"Bro-"

Nakita ko ang paglunok ni Eros ng pumihit si Asher paharap sa kanilang dalawa. Kung siguro ipinanganak lang akong may consistent na lakas ng loob ay sumingit na ako sa kanila pero dahil hindi ay bigo ako. Wala akong nagawa kung hindi ang maawa sa mga babaeng ngayon ay pinapaalis na ni Asher. Kahit naman hindi sila masyadong maayos kausap ay tingin ko sobra naman ang ganito. Isa pa, ako itong hindi naman talaga balak maki-party sa kanila kaya dapat talaga ako nalang ang hindi nagpunta. Naiwasan ko pa sa sana ang ganito.

"Papaalisin niyo o tatapusin na natin ang party na 'to?" walang prenong sabi ni Asher dahilan para bigong mapasulyap ang dalawa sa mga kaharap.

Nagsitayuan na rin ang iba pa nilang mga kaibigan at ang dalawang natitirang babae na hindi nakisali kanina pero dahil nakapag-desisyon na si Asher ay wala na rin silang nagawa. He looks mad at na-guilty tuloy ako dahil alam kong ako ang dahilan kaya siya nagagalit ngayon.

Bigong sinamahan nila Lance ang mga babae paalis sa kasiyahan. Hindi na nakatingin sa akin ang mga ito dahil sa hiyang natamo nila lalo na't ngayon ay nasa kanila na rin ang atensiyon ng lahat. Nakita ko pa ang pagpupunas ng luha ng isa at pagtakip sa mukha habang palayo sa amin.

Nanatili akong tahimik kahit na naging maingay na ulit ang paligid. Mas nakatikom nga yata ang bibig ko habang nasa tabi ni Asher na nakikipag-inuman na sa kanyang mga kaibigan.

"Ayos ka lang?" maya-maya'y tanong ng babaeng kanina pa kasama ni Trystan.

Nginitian ko siya pabalik. "Okay lang ako."

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon