CHAPTER ELEVEN
No More Mr. Right
Buong gabi akong nag-isip ng pwede kong gawin bukas dahil malinaw na tapos na tapos na ako sa lalaking 'yon at wala na akong balak pang balikan kung ano ang kinahinatnan ng pag-uusap namin.
Imbes na magpakalunod sa lungkot ay inisip ko nalang na maiksi ang buhay para magkaroon ng panahon sa gano'ng emosyon.
Isa pa, wala akong ginawang masaya kaya wala akong dapat na ikalungkot. Kung meron mang dapat malungkot at hindi makatulog dahil sa nangyari ay si Asher iyon at hindi ako.
Itiniklop ko ang aking laptop at bumalik na sa kama. Wala pa man akong naiisip na dapat kong i-vlog bukas ay bumalik na ako sa kama. Siguro ang dapat kong unahing gawin ay ang magpaumanhin sa mga taong naabala ko kanina. At kung saan man ako dalhin ng mga paa ko bukas ay bahala na.
Sikat na ang araw ng magising ako kinabukasan. Ngumiti ako kaagad. Ang sabi kasi ni Daddy ay kung gusto mong maging masaya sa buong araw ay dapat kumbinsihin mo ang utak mong masaya ka na pagdilat palang ng mga mata mo. It's mind over matter. And I read that you must always make your bed dahil doon nagsisimula ang lahat para kung hindi man umayon sa'yo ang araw mo ay may babalikan ka namang maayos na kama.
Ganado akong nag-ayos pero bago magpasyang iwan ang lugar ay madali akong nahipnotismo nang makita ang pagkinang ng dagat na sinasamba ng magandang sikat ng araw. Huminga ako ng malalim para lasapin ang sariwang hangin.
Sa kagustuhan kong hanapin ang taong iyon ay nawala na sa utak kong purihin ang ganda ng tanawing nakabalandra sa aking harapan. Napangiti ako ng marinig ang mga huni ng ibon na lumipad malapit sa akin. Wala sa sariling napangiti ako habang binubuksan ang aking camera.
"Hola! It's KF and good morning everyone! Today, I've decided na mag-explore na muna sa resort because look at this gem!" Excited kong itinuon ang camera sa aking harapan. "Right? Sinong hindi maaakit diyan! So..." Ibinalik ko ulit ang lente paharap sa akin. "Samahan niyo akong diskubrihin ang ganda ng ilang parte ng Batangas! Tara!"
Nagpatuloy ako sa pagkuha sa tanawin. Sa mga ilang napapanuod kong travel vlogs ay tinuruan ko na rin ang sarili kong mag-edit para naman kahit paano ay kaaya-aya ang mapapanuod ng mga tao.
I talk a lot in front of the camera. Gusto ko rin talagang panindigang kaharap ko ang mga nanunuod sa akin dahil sa tuwing ginagawa ko 'yon ay ramdam kong hindi ako mag-isa. I don't know. Siguro nga tama si Zydney, ito nga ay isang biyayang bigay sa akin.
Napangiti ako ng maramdaman ang malamig na tubig na yumakap sa aking mga paa ng marating ko ang dalampasigan. Hindi nawala ang tuwa sa aking puso lalo na ng makita ang mga mangingisda sa hindi kalayuan.
I wonder if it's hard. Nasubukan ko nang mamingwit noong field trip namin nang elementary at iyon palang ay nahirapan na ako, ano pa kaya ito?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa naramdaman ko na ang pag-init ng sikat ng araw sa aking balat kasabay ng pagkalam ng aking sikmura kaya bumalik na ako sa resort para magbihis at umalis na.
Dumaan ako sa kainan at bumili ng maraming pagkain, hindi dahil gutom ako kung hindi dahil gusto kong bigyan sila Kuya Lito.
Habang nagda-drive pabalik doon ay lumalakas ang kalabog ng aking puso pero hindi gaya kahapon at nang isang araw na gusto kong pasukin iyon, ngayon naman ay naisip kong kapag naibigay ko na sa kanila ang lahat ng ito ay aalis na rin ako.
I need to go somewhere far away from that place. Napagpasyahan ko na rin na umalis na sa tinutuluyan kong resort at mag-book nalang sa iba. Iyong medyo malayo sa lugar na ito para malabo nang magtagpo ulit ang mga landas naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...