Lumipas ang ilang linggo'y unti-unti na namang naramdaman ni Vera ang panghihinayang kay Miggy. Unti-unting bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya noon.
Kung bakit ba naman kasi ipinaalala pa ni Francine sa kanya ang matagal niya nang ibinaon sa limot.
Hindi niya akalaing magiging kasing sakit ng naramdaman niya noon ang mararamdaman niya habang tumatagal sa pamamahay na iyon.
Nasasaktan siya sa tuwing makikitang masaya ang mag-asawa araw-araw.
Naiinggit siya.
Naisip niya na kung hindi sana niya tinulungan si Miggy na mapalapit kay Francine, baka-sakaling nagkaroon pa siya ng chance na masabi rito ang kanyang nararamdaman.
Baka-sakaling siya ang napansin nito at minahal, hindi si Francine.
Kung puwede lang sanang maibalik ang oras ay baka nagawa niya nang baguhin ang kasalukuyan.
Pero huli na ang lahat.
Pag-aari na si Miggy ng pinaka-matalik niyang kaibigan.
Wala na siyang ibang dapat pang gawin kundi tanggapin ang katotohanan at piliting burahin si Miggy sa puso niya.
Dahil iyon ang tama.
Ano pa'ng silbi ng nararamdaman niya kung hindi na siya puwedeng mahalin nito?
Napaka-imposibleng mangyari iyon.
"Mukhang hindi pa rin nakakahanap ng trabaho si Miggy, ano?" seryosong tanong ni Vera habang nagwawalis sila ni Francine ng mga tuyong dahon sa bakuran.
Napansin kasi niya na masyado pa ring abala si Miggy sa pagsi-search ng trabaho online.
"Nakakaawa na iyong asawa mo. Araw-araw na lang ay pagod na umuuwi galing sa paghahanap ng trabaho."
"Oo nga, e." Francine sighed. "Nag-suggest na nga ako sa kanya na mag-apply na lang ulit sa abroad, pero ayaw niya na raw. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko siya tutulungan."
"Gano'n ba?" Sandaling nag-isip muna si Vera. "Alam mo may naisip akong paraan. Hindi ko lang sure kung magugustuhan ng asawa mo, pero may chance na malaki ang kitain niya roon."
"Talaga? Saan naman?"
"Sa online."
"Sa internet?"
"Oo. Hindi ba't malakas naman ang internet connection niyo? Kung ako sa kanya, bakit hindi niya i-try mag-online job? Marami akong kakilala na naging successful na roon. Malaki na ang sahod, hindi niya na kailangan pang umalis ng bahay para magtrabaho."
Maya-maya'y lumapit sila kay Miggy at itinanong kung interesado ba itong mag-online job.
"As in dito sa bahay, puwede akong kumita ng malaking pera?" hindi makapaniwalang tanong ni Miggy.
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...