Chapter 13

7.9K 59 7
                                    

Sa ating weather report, Bagyong Dominador

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa ating weather report, Bagyong Dominador... magpapalakas ng hangin at ulan sa buong Luzon. Asahan po natin ang pagbaha.

Napailing ang driver habang nakikinig ng balita sa radyo. "Kapag minamalas ka nga naman, oh. Mukhang huling pasahero na kita, miss. Lalakas na raw ang bagyo mamaya."

"Naku, gano'n po ba?" Nang huminto ang taxi sa lumang bus station ay kumuha na si Francine ng pera sa wallet. "Manong, ito po ang bayad."

"Salamat. Mag-iingat ka, Ineng."

"Salamat din po." Ngumiti muna siya sa driver bago bumaba ng taxi.

Kalakasan ng ulan nang makarating siya sa Trinidad Bus Station.

Maputik sa lugar na iyon, pero wala siyang choice dahil iyon lamang pinakamalapit na bus station mula sa kanila. Idagdag pa na bahain ang lugar papunta sa ibang estasyon. Mahihirapan lang siya kapag inabot siya roon ng bagyo.

Bumuntong-hininga siya.

Tama ba talaga na iniwan ko si Miggy?

Gusto man niyang bumalik sa bahay ay hindi na siya puwedeng umatras pa. Siguradong sa oras na iyon ay galit na galit na sa kanya si Miggy dahil umalis siya.

Dumiretso muna siya sa tindahan para bumili ng makukutkot na pagkain sa bus. Pagkatapos ay hinanap na niya ang bus na babyahe papuntang San Pablo City, Laguna.

"Nasaan na ba iyong bus papuntang Laguna?"

Umikot siya sa buong estasyon, pero nakapagtatakang hindi niya makita ang sasakyan sa kanyang destinasyon. Kaya naman nagtanong na siya sa isang konduktor na naninigarilyo sa isang tabi.

"Excuse me po," tumingin sa kanya ang konduktor. "Kanina pa po kasi ako paikot-ikot dito, pero di ko po talaga makita ang bus papuntang San Pablo."

"Naku! Kaaalis lang ng mga bus kani-kanina lang."

"N-akaalis na po?" nautal niyang sagot. "Kung gano'n, mga anong oras po kaya ang balik ng bus?"

"Naku, hindi ko sigurado. Ang alam ko ay hanggang alas otso na lang ang biyahe ng bus dahil may bagyo. Kasususpende lang ng LTRFB. Mukhang last trip na yata iyon."

"Naku! Anong gagawin ko?"

Napapadyak siya sa kinatatayuan.

Then, nag-isip siya ng paraan. Naroon na siya at hindi puwedeng bumalik pa siya sa bahay.

Pagkuwa'y nagtanong muli siya sa lalaki.

"Kuya, may alam po ba kayong biyahe ng van or FX na papuntang Laguna? Kailangang-kailangan ko na po kasing makauwi ngayon, e."

Napakamot ang lalaki sa ulo. "Hindi ko sigurado kung bibiyahe pa ang mga van doon."

Sinundan niya ng tingin ang itinuro nito.
"Doon sa kabilang kalsada, may paradahan ng mga van. Magtanong ka na lamang doon."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon