Chapter 40

6.5K 79 29
                                    

Walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Francine nang makita ang pagtataksil ng asawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Francine nang makita ang pagtataksil ng asawa. Wala siyang kaalam-alam na ganoon na pala ang ginagawa nito sa tuwing aalis siya ng bahay. Ang mas masakit pa nito ay hindi lamang si Miggy ang nagtaksil sa kanya, kundi pati na rin ang taong pinaka-pinagkakatiwalaan niya at itinuring na niyang isang kapatid, ang best friend niyang si Vera.

"Mga baboy! Mga walang hiyaaa!"

"Babe, magpapaliwanag ako! M-magpapaliwanag ako!" Dali-daling tumayo si Miggy at nagsuot ng pang-ibaba. Naiwan naman sa kama si Vera na tila gulat na gulat pa nang mahuli sila ng kaibigan.

"Paano nyo nagawa ito sa akin!?" Dahan-dahan siyang tumingin kay Vera. "Paano mo nagawa sa 'kin 'to? Itinuring kitang best friend, pero ito lang ang igaganti mo!?"

Ngunit hindi sumagot si Vera at nakatingin lamang ito sa kanya.

"Babe, please!" Lumapit si Miggy at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Huwag mo 'kong hawakan!"

Ngunit nagpumilit pa rin si Miggy at hindi siya binitawan. 

"Ang sabi ko, huwag mo 'kong hawakaaan!"

"Babe, hayaan mo 'kong magpaliwanag!"

"Bitawan mo 'ko!"

"P-parang-awa mo na, babe!"

"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag dahil kitang-kita ng mga mata ko kung ano'ng mga kababuyan ang pinaggagawa nyo!"

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Francine. Kulang na lang ay lumuha siya ng dugo sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Nakakadiri ka! Nakakadiri kayong dalawaaa!"

Napaiyak na rin si Miggy habang pinagtatabuyan siya ng asawa. "Babe, hindi ko sinasadya. Alam mong ikaw lang ang mahal ko. N-napilitan lang ako. Hindi ko talaga sinasadya, Babe. Napilitan lang ako, maniwala ka sa akin---"

Bigla siyang sinampal ni Francine. Napahawak naman si Miggy sa kanyang pisngi.

"Napilitan? Ano 'yon? Hinubad mo ang saplot mo at nakipag-sex dahil napilitan ka lang!?" Hinampas niya ito sa dibdib. "Huwag mo 'kong gawing tanga, Miggy! Ginusto mo ang nangyari! Ginusto mong hayop ka! Mga baboy kayooo!"

"Dahil inakit ako ni Vera! Inakit ako ng best friend mo!" Hinawakan siya ni Miggy ng mahigpit sa magkabilang-balikat. "A-alam kong mali ako, pero siya ang nagsimula ng lahat, babe. Hindi mangyayari ito kung hindi nya ako inakit!"

"Tama na!" bulalas ni Francine. "Hindi na ako naniniwala sa 'yo, Miggy! Hinding-hindi na rin ako maniniwala sa mga sasabihin mo! Kahit ano pa'ng ibuka ng bibig mo, pinagtaksilan nyo 'ko at hindi mababago iyon ng kahit ano pang mga paliwanag mo!"

"Babe, patawarin mo 'ko! Nagmamakaawa ako sa 'yo!"

"Ang kapal pa ng mukha mong pagdudahan ang pagkakaibigan namin ni Raymart, pero ikaw pala itong nagtataksil sa 'kin! Sigurado ako na matagal nyo nang ginagawa ito!"

"Babe..."

"Ganito ba ang pagmamahal, Miggy? Wala kang kuwentang asawa! Mga walang kuwenta kayong lahaaat!"

"Mahal kita, babe! Mahal na mahal! Nagkamali lang ako, pero mahal na mahal kita!"

"Sinungaling!" At muli niya itong sinampal.

Aalis na sana si Francine, ngunit biglang lumuhod si Miggy at niyakap ang kanyang mga binti. "B-babe, please huwag kang aalis. Ayusin natin ito!"

"Bitawan mo 'ko!"

"Babe, please!"

"Ano ba!?"

"Kung kinakailangang lumuhod ako ng ganito buong araw sa harapan mo, gagawin ko basta't mapatawad mo lang ako."

"Ayoko naaa!"

Ngunit bigla siyang tinadyakan ni Francine. Napahiga na lang si Miggy sa sahig. "Kahit lumuha ka pa ng dugo at lumuwa ang mga mata mo sa paghingi ng tawad, hinding-hinding kita mapapatawad. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad ni Vera. Sinira nyo ang tiwala at pagmamahal na ibinigay ko sa inyo! Magsama kayo!" At lumakad na siyang paalis.

"Babe, sandali! Huwag kang umalis!"

Patakbong lumabas ng bahay si Francine. Iyak siya nang iyak habang papalayo sa kanilang bahay. Walang tigil ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata na para bang hindi iyon nauubos.

Hinabol siya ni Miggy. "Babe, bumalik ka rito!"

Nang maabutan niya ito na sasakay na sa jeep ay bigla niyang nahagip ang braso nito. "Hindi ka puwedeng umalis! Pag-usapan natin 'to!"

"Bitawan mo 'ko! Wala na tayong dapat pag-usapan!"

Pinagtitinginan na sila ng mga pasahero, ngunit wala silang pakialam.

"Mag-uusap tayo, babe! Kailangan nating ayusin 'to!"

"Ahh! Bitawan mo akooo!" Hindi siya makapasok sa loob ng jeep dahil ayaw siyang bitawan ni Miggy sa kanyang braso. Kaya naman humingi na siya nang tulong. "Tulooong! Gagahasain niya ako! Tulungan nyo ho akooo!"

"A-ano bang pinagsasasabi mo!?"

"Tulungan nyo po ako! Masama siyang taooo!"

Hanggang sa tinulungan na nga siya ng mga lalaking pasahero. Dali-daling pumasok sa loob si Francine at humarang naman ang dalawang lalaki para hindi makapasok si Miggy sa loob ng jeep.

"Asawa ko siya! Papasukin nyo 'ko!"

"Pare, tama na. Hayaan mo na sya," sabi ng isa sa mga pasahero.

"Manong umalis na ho tayo! Sige na ho, Manong!" pakiusap ni Francine sa driver.

"Babe! Babeee!"

Hanggang sa tuluyan na ngang umandar ang jeep. Napaluhod na lang si Miggy sa tabing kalsada na umiiyak habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

"Babe, patawarin mo ko! Patawarin mo 'ko sa nagawa ko!"

Samantala, tuwang-tuwa naman si Vera nang masaksihan ang pangyayari. Sumunod pala siya kay Miggy at nakita niya ang pagtataboy na ginawa ni Francine rito.

Tumingin siya sa kalangitan at mangiyak-ngiyak na nagsalita, "Diyos ko, Lord. Maraming salamat po at tinupad nyo ang kahilingan ko. Ngayon ay totoong akin na si Miggy. Akin na siya at nabawi ko na siya kay Francine!"


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon