Chapter 20

7.2K 61 10
                                    

"So, ano? Ready na ba kayo? Naka-set up na ba ang lahat ng mga gagamitin natin?" tanong ni Raymart sabay tingin sa videographer nilang sina Jasper at Marco

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So, ano? Ready na ba kayo? Naka-set up na ba ang lahat ng mga gagamitin natin?" tanong ni Raymart sabay tingin sa videographer nilang sina Jasper at Marco. "Iyong pang-video natin? Ayos na ba?"

Nasa Padre Pio Shrine na sila nang tanghaling iyon. Naka-ready na ang lahat at hinihintay na lang mag-umpisa ang wedding.

"Okay na, pre. Kapag nag-umpisa nang maglakad ang mga aabay ay pupunta na kami sa puwesto namin," sagot ni Marco.

"Good." Tumingin naman siya kay Francine. "O ikaw, Francine? Ready ka na bang maging photographer?"

Nahiyang napakamot ito sa batok. "Bakit parang kinakabahan yata ako? Ganito ba talaga kapag first time?"

Nagtawanan silang lahat.

"Sisiw lang yan, Francine. Hindi ka naman iha-hire nitong si Raymart kung hindi ka marunong sa photography," sabi ni Jasper at kinindatan pa niya si Raymart. "Hindi ba, Raymart?"

"Oo nga naman," pag-sangayon ni Raymart. "Wala kang dapat ikakaba, Francine. I-enjoy mo lang ang ginagawa mo and i'm sure magiging maganda ang first day mo sa trabahong ito."

"Kayo talagang tatlo. Pinalalakas nyo ang loob ko."

Then suddenly, lumapit sa kanila ang wedding organizer.

"Guys, ready na ba kayo? Magsisimula na ang wedding nina Mr. and Mrs. Vallejo in five minutes."

"Yes, ready na po kami." Humarap si Raymart sa kanyang team. "Guys, pumunta na tayo sa kanya-kanya nating puwesto. Ikaw naman Francine, doon ka sa pupuwestuhan ko."

"Yes, sir!" energetic na sagot ni Francine.

"Kilig!" sabay na pang-aasar nina Jasper at Marco. Inalis naman ni Raymart ang suot na cap at ipinanghampas sa ulo ng dalawa.

"Siraulo talaga kayong dalawa, ano?" natawang sabi ni Raymart.

Maya-maya'y nagsimula na nga ang wedding.

Pumuwesto na sina Francine at Miggy sa aisle bitbit ang kanilang DSLR Camera. Isa-isa nilang pinagkukuhanan ng litrato ang mga naglalakad na abay.

"Okay. Stop ka muna riyan, baby girl. Kukuhanan lang kita ng picture," utos ni Francine sa flower girl. Huminto naman ang bata sa paglalakad. "Smile!"

Napahinto naman si Raymart nang mapatingin kay Francine. May namuong ngiti sa kanyang mga labi.

Bumilis pa ang tibok ng puso niya nang makita itong nakangiti habang kinukuhanan ng pictures ang mga bata. Talagang napakaganda ni Francine. Alam naman niyang may asawa na ito, pero hindi talaga mapigilan ng kanyang mga mata, puso't isipan na mahulog dito. Bakit ba hindi niya ito nakilala ng maaga?

Bakit ba nakuha ito ng iba at hindi siya?

Sa tuwing nakikita kita, hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang na sana ay ako nalang ang minahal mo. Kung nakilala lang sana kita ng mas maaga, Francine.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon