Chapter 45

4.6K 60 10
                                    

Nang sampalin ni Francine si Vera ay nakuha pa nitong tawanan siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang sampalin ni Francine si Vera ay nakuha pa nitong tawanan siya. "Iyon lang ba ang kaya mo, Francine?" maang nitong tanong.

"Ang kapal din naman ng mukha mo na magpakita pa sa 'kin, matapos n'yo 'kong pagtaksilan!"

"For your information, ikaw ang nagpakita sa 'kin. Naawa lang ako sa 'yo kaya nilapitan kita nang makita kong malungkot ka habang nagwi-window shopping."

Sasampalin niya na sanang muli si Vera, ngunit napahinto siya nang bigla itong magsalita, "O, sasampalin mo na naman ba ako? No problem! Go ahead! Mukhang nabitin ka yata." Pang-asar na itinuro niya ang pisngi. "C'mon, sampalin mo 'ko. Kung 'yan ang makapagpapagaan ng loob mo!"

"Ano ba'ng nagawa kong kasalanan sa 'yo at bigla kang naging ganyan. Itinuring kitang kapatid, higit pa sa isang best friend. Magkaibigan tayo, pero ginago mo 'ko!"

Itinuro ni Vera ang sarili. "Ako pa ngayon ang nanggago? Baka nakakalimutan mo na kagagawan mo ang lahat ng ito, Francine. Kung hindi mo sana inagaw sa 'kin si Miggy noong highschool, hindi ko siya babawiin sa 'yo ng ganito. Alam mo naman na patay na patay ako sa kanya, pero sinaktan mo ang damdamin ko!"

"H-highschool?" nautal na ulit ni Francine. "Vera, hindi ko siya inagaw sa 'yo. Tinanong kita... Inisip ko muna ang mararamdaman mo dahil alam ko kung gaano mo siya kagusto. Pero ano'ng ginawa mo? Tuluyan mo 'kong itinulak para magkalapit kaming dalawa. Kaya wala kang karapatan na sabihin inagaw ko siya sa 'yo dahil sa simula pa lang, ako na ang gusto ni Miggy. Ako ang minahal niya at hindi mo siya naging pag-aari!"

"Talaga lang, ah. Kaya pala naghanap siya ng bagong putahe." Marahang tinapik ni Vera sa balikat si Francine. "Ikaw naman kasi, bessy. Masyado kang maramot sa asawa mo. Mag-asawa na nga kayo, pero hindi mo pa rin maibigay sa kanya ang sarili mo. Kaya iyon, lumapit siya sa akin at ako na ang nagpaunlak ng katawan ko alang-alang sa 'yo."

Nanginig ang mga kamay ni Francine at nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Alam mo bang wala akong pinagsisihan sa ginawa kong 'yon? Ang sarap kaya ng asawa mo. Wala kang kaalam-alam na sa tuwing umaalis ka ng bahay ay may ginagawa kaming kababalaghan. Minsan sa salas, minsan sa kusina at madalas naman ay sa kuwarto nyo namin inilalabas ang init sa aming katawan. 'Tapos, paulit-ulit pa niyang binabanggit sa akin kung gaano niya ako kamahal habang inaangkin niya ang pagkababae ko. Sarap na sarap siya sa pagtataksil namin!"

"Ingrata! Matapos kitang ituring na kapatid ay ganito lang ang gagawin mo? Tama nga si Mommy, ang dapat talaga ay hindi ako nakipagkaibigan sa 'yo!"

"Sana nga ay hindi na lang kita naging kaibigan. Ang totoo nyan ay ginamit lang naman kita para sumikat ako noong highschool. Ginamit lang kita para gumanda ang pangalan ko roon. Never kitang itinuring na isang kaibigan!"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Francine. Iyon na pinakamasakit nitong nasabi at talaga namang tagos sa puso niya ang hapdi na naramdaman.

"O, siya nga pala. Bago ko makalimutan ay gusto ko nga palang ipaalam sa 'yo na ako ang lumason sa utak ng asawa mo. I made him believe na may relasyon kayo ni Raymart kaya naman nagalit siya sa 'yo ng gano'n. Ang akala ko nga ay magagalit na siya sa 'kin habang buhay nang malaman niya na nagsinungaling ako. Pero nakita mo naman ang nangyari, hindi niya ako natiis at nakipag-make love na naman siya sa akin!"

"W-walang hiya ka!"

"Iyon ba ang pagmamahal, Francine? Bakit niya ako papatulan kung mahal ka niya?"

Then suddenly, tila may nagliyab na apoy sa dibdib ni Francine. Napuno siya ng galit at dinakma niya ang buhok ni Vera. Gumanti naman si Vera at nagsabunutan sila sa harap ng maraming tao. Pinagtitinginan na sila, ngunit wala silang pakialam sa mga ito.

"Hayop kang malandi kaaa!" sigaw ni Francine.

"Kahit na ano pa ang gawin mo ay hindi mo na mababawi sa 'kin si Miggy! Akin na siya!"

Sa galit ay sinikmurahan niya si Vera. Hinila niya ang buhok nito at kinaladkad patungo sa water fountain.

"A-ano'ng gagawin mo? Bitawan mo 'ko!"

"Sa tingin ko ay hindi ka pa yata nabinyagan noong sanggol ka. Ako na ang magbibinyag sa 'yo para mawala ang kademonyohan mo!"

"Huwaaag!" sambit ni Vera at biglang inilublob ni Francine ang ulo niya sa fountain.

"Ang dapat sa 'yo ay mamatay! Hindi ka na dapat pang nabubuhay sa mundong ito, demonyo kaaa! Malandi!" galit na pagkakasabi ni Francine habang nilulunod niya ito.

Nag-alala naman ang mga taong nakatingin sa kanila't tumawag na ng security guard para awatin siya.

Pagkalabas ni Raymart sa supermarket ay nagtaka siya kung bakit wala pa roon si Francine. Sinubukan niyang hanapin ito sa mga stall hanggang sa mapansin niya ang nagkumpulang tao na tila may pinapanood. Nagbaka-sakali siya na makikita niya roon si Francine.

Sumingit siya sa mga tao at nagtungo sa unahan.

Pagkuwa'y nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita roon si Francine na may inilulublob na tao sa water fountain.

"F-francine!?" sambit niya at patakbong nilapitan niya ito. "Francine, tigilan mo na 'yan! Ano ba'ng ginagawa mo!?"

Hinila niya ang mga kamay nito sa pagkakasabunot sa babae at bahagyang inalayo siya. Doon niya napag-alaman na si Vera pala iyon at halos mawalan na ito ng hininga sa ginawa sa kanya nito.

"Bitawan mo 'ko! Hindi mo dapat ako pinigilan!"

"Nahihibang ka na ba? Hindi mo dapat ginawa iyon! Pinagtitinginan na kayo ng mga tao!"

"Wala akong pakialam sa mga tao! Ang dapat sa kanya ay mamatay! Wala siyang kuwentang kaibigan! Ingrataaa!"

"Francine, tama na!"

"Bitawan mo 'kooo!"

Nagpumiglas si Francine, pero niyakap siya ni Raymart nang mahigpit. "Hindi solusyon ang paghihiganti. Mas lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon. Wala namang magbabago kung gagawin mo ito!"

"Ano ba!? Bitawan mo 'ko!"

"Hindi mababago ng paghihiganti mo ang pagtataksil na ginawa nila sa 'yo!"

Natigilan si Francine sa sinabi niya.

Umiiyak na napahiga na lamang siya sa sahig nang dahil sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.

"Francine, tama na. Umalis na tayo rito."

"W-wala naman akong kasalanan, Raymart. Bakit nila nagawa iyon sa 'kin? Bakit!"

Huling dumating naman ang security guard at sila ang tumulong kay Vera.

Pagkuwa'y tumingin ito kay Francine. May namuong ngiti sa kanyang mga labi habang nakikita itong umiiyak.

Ako pa rin ang nagwagi, Francine. Akin na si Miggy at magkamatayan na tayo kung babawiin mo siya sa akin!


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon