"Ikaw na ang bahala sa asawa ko, ah," sabi ni Miggy nang ihatid niya sa tapat ng sasakyan sina Francine at Raymart. "Kapag may nangyaring masama d'yan, may mangyayari ring masama sa 'yo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Natawa si Raymart. "Huwag kang mag-alala. Safe 'yan kapag kasama ako."
"Ikaw talaga!" Kinurot ni Francine sa baywang si Miggy.
"Aray ko, babe!"
"Kasasabi mo lang na magbabago ka na, pero nagagalit ka na naman kay Raymart. Ano ba talaga, babe?"
"Hindi ako galit. Nag-jo-joke lang ako!" Tumingin siya kay Raymart. "Raymart, nagagalit ba ako sa'yo?"
"Ewan ko sa inyong dalawa." Nakangiting iniwan niya ang dalawa at sumakay na sa kotse.
"Promise! Nagbago na talaga ako. Hindi ko naman inaaway si Raymart, e." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Ikaw d'yan ang nagagalit, oh. Tignan mo nga ang noo mo, nakakunot na naman."
"Oh sya, sya, sya... nagbago na kung nagbago. Aalis na kami." Hinalikan nya muna sa labi si Miggy bago sumakay sa kotse. "Uuwi rin ako pagkatapos ng prenup photoshoot."
Kumaway si Miggy. "Bye, babe. I love you."
"I love you too, pare!" Sa halip na si Francine ay si Raymart ang sumagot. Nagtawanan silang tatlo. "Joke lang!"
"Sira ka!" sambit ni Miggy.
"Bye, babe. I love you too," na-late na sagot ni Francine.
Pagkuwa'y umandar na ang sasakyan at umalis. Nakangiti naman na bumalik na si Miggy sa bahay.
---
Habang bumabyahe, napansin ni Francine na pangiti-ngiti si Raymart habang nagda-drive.
Tinapik niya ito sa balikat. "Uy!"
"O, bakit?"
"Para kang sira d'yan. Ano'ng meron at pangiti-ngiti ka?"
"Wala naman. Natatawa lang kasi ako sa asawa mo. Noong una, parang kakainin niya na ako ng buhay, pero ngayon... parang close na close na kami."
"Iyan nga rin ang napansin ko kanina. Akala ko nga ay nagpapanggap lang kayo, pero totoo na pala."
"Now I know kung bakit mo siya nagustuhan."
"Sabi ko kasi naman sa 'yo, mabait talaga si Miggy. Nagkakatopak nga lang 'yon minsan, pero nawawala rin naman kaagad." Napailing si Francine. "Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagselos sa 'tin. Masyado nang napapadalas ang pagiging busy ko. Hindi ko namalayan na nagkukulang na pala ang oras ko sa kanya."
Bumuntong-hininga si Raymart. "Mabuti na lang ay nakuha ko na ang tiwala niya ngayon. Hindi na tayo mahihirapang magpaalam sa kanya kapag may client. We're free!"
"Free na nga ba talaga?"
At nagtawanan silang dalawa.
Pagkuwa'y biglang sumagi sa isipan ni Raymart si Vera. Nahalata kasi niya na kakaiba ang ikinikilos nito nang magkakasama silang nag-agahan.
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...