Chapter 30

5.2K 51 5
                                    

Nasa kahimbingan ng pagtulog si Miggy nang magising siya sa mga haplos na naramdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa kahimbingan ng pagtulog si Miggy nang magising siya sa mga haplos na naramdaman.

Nang imulat niya ang mga mata'y bumungad sa kanya si Vera na nakaupo sa gilid ng kama at hinahaplus-haplos ang kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata niya't bumangon.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" kabado niyang tanong kay Vera. Nang tumingin siya sa tabi'y naroon din si Francine at mahimbing nang natutulog. "Baka mahuli tayo ng asawa ko."

Nagpatuloy si Vera sa paghaplos ng kanyang katawan. "Huwag mong sabihin na natatakot ka?"

"Bumalik ka na sa kuwarto mo. Mali itong ginagawa mo. Kapag nagising si Francine ay pareho tayong mananagot."

"Bakit? Sa tingin mo ba'y hindi ko pinagplanuhan ito?" Tumawa-tawa siya. "Sa tingin mo ba'y hahayaan ko na mahuli tayo ng asawa mo?"

"Bakit? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Dahan-dahang inilapit ni Vera ang bibig sa tenga ni Miggy. "Nilagyan ko ng gamot na pampatulog ang beer na ininom ni Francine. Kaya kahit ano pa'ng ingay ang gawin natin ngayon, hinding-hindi tayo mahuhuli ng asawa mo."

Pagkuwa'y biglang inihiga niya sa kama si Miggy at sinakyan ito.

"V-vera..."

"Alam mo bang kanina pa akong nagki-crave sa 'yo, mahal ko?" Hinubad ni Vera ang kanyang suot na t-shirt at tumambad na lang kay Miggy ang malulusog niyang dibdib. "Kanina pa akong nag-iinit sa 'yo, Miggy."

"V-vera, kailangan bang gawin natin ito rito?" kabadong tanong ni Miggy. "Doon na lang tayo sa kuwarto mo."

"Ayoko nga. Hindi ba't mas exciting kung dito tayo magsi-sex katabi ang asawa mo?" Hinaplos niya si Miggy sa pisngi. "Hindi ba't mas magiging masarap sa pakiramdam na magtaksil sa kanya nang harap-harapan? Iyong feeling na hindi alam ng asawa mo na tinitira mo ang pinakamamahal niyang best friend habang natutulog siya."

"Ibang klase ka talaga, Vera."

At bigla nalang siyang hinalikan ni Miggy sa labi.

Naisahan na naman ni Vera si Francine.

Pinagplanuhan niya ang pagbili ng gamot na pampatulog sa drug store para ilagay sa beer ni Francine. Alam niya na may problema ito sa pagtulog kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon para linlangin ito. Nainis kasi siya dahil hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na ma-solo si Miggy. Hindi na masyadong umaalis ng bahay si Francine dahil wala silang gaanong inaasikaso na client.

---

Kinabukasan, nagising si Francine na masakit ang katawan. Nang imulat niya ang mata ay saka lang niya napansin na sa sahig na pala siya natulog.

"Aray ko... Nahulog yata ako sa sahig," daing nya. Ngunit hindi niya alam na nahulog talaga siya dahil sinipa siya ni Vera habang nagtatalik sila ni Miggy.

Mag-a-alas onse na ng tanghali. Naisip niya na tama nga si Vera na tatanghaliin siya ng gising dahil sa beer na kanilang ininom.

Pagkalabas niya sa kuwarto ay naabutan niyang nagluluto si Vera sa kusina. Si Miggy naman ay abala na sa kanyang online job.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon