"Tama ba? Four tablets ng Xyzal para sa allergic rhynitis mo, isang Ponds Facial Wash, isang Vicks Vaporub at ten tablets ng Biogesic? Sigurado ka bang iyon lang ang ipabibili mo?" paglilinaw ni Raymart habang kausap ang Ate Cecile niya sa cellphone.
Kasalukuyan siyang nagda-drive papuntang pharmacy. Kababalik lang kasi ng ate niya at ng ka-date nito galing sa pamamasyal sa Cambodia. Pagud na pagod ang dalawa kaya siya napag-utusan.
"Ah... Ibili mo na rin ako ng fish crackers, butong pakwan at saka isang kilong chicken legs sa supermarket para sa dinner natin mamaya."
Napakamot sa ulo si Raymart. "Ang dami mo namang ipinabibili, ate. Bakit ba kasi hindi mo na lang iutos d'yan sa boyfriend mo nang mapakinabangan naman."
"Mag-uutos ba ko sa iyo kung kaya namin? Alam mo naman na kakauwi lang namin sa ibang bansa at pagud na pagod pa kami. 'Tsaka teka nga lang, ah. Hindi ko pa boyfriend si Arnold. Nagdi-date palang kami."
"Oh sya, sya, sya... nagdi-date na kung nagdi-date. Ibababa ko na 'tong phone. Nandito na ako sa tapat ng pharmacy."
"O, sige." sagot ni Cecile sabay patay niya ng call.
At inihinto na nga ni Raymart ang kanyang sasakyan sa parking lot.
Pagkababa ay nagtungo kaagad siya sa loob ng drugstore at bumili.
"Miss, four tablets po ng Xyzal, isang Ponds Facial Wash, isang Vicks Vaporub... iyong malaki at saka ten tablets na rin ng Biogesic," nakangiti niyang sabi sa pharmacy assistant.
"Yes, Sir Pogi," nakangiting sagot naman ng matabang babae at kumindat pa ito sa kanya. Mukhang nagustuhan yata siya nito.
Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang, pero hindi niya ipinahalata iyon at nginitian na lamang ang babae.
Pagkuwa'y napatingin siya sa katabing babae na bumibili rin ng gamot. Nakasuot ito ng jacket at natatakpan ng hood ang ulo.
"Two thousand and five hundred pesos po lahat, ma'am." Iniabot ng pharmacy assistant ang mga gamot rito. Nakalagay iyon sa orange cylinder plastic bottle.
"Okay." Sabay kuha naman ng babae ng one thousand peso bill sa pitaka.
Titingin na sana siya sa ibang direksyon, pero bigla niyang naibalik ang tingin sa babae nang mapansin na parang pamilyar ito.
Nang tanggalin nito ang hood sa ulo ay saka niya namukhaan kung sino iyon.
"Vera?" sambit niya. Napatingin naman sa kanya ang babae. "Oo nga, ikaw si Vera. Ikaw iyong best friend ni Francine, hindi ba?"
Then suddenly, bigla nitong ibinalik ang hood sa ulo at tinakpan ang mukha. "H-hindi ako 'yon. Baka nagkakamali ka lang." Dinampot nito ang gamot sa counter at lumakad na paalis.
"Sandali lang!" Susundan na sana siya ni Raymart, pero hindi na ito tumuloy nang maalala na may binibili pa nga pala siya.
"Miss, iyong sukli nyo po! Miss!" sigaw ng isang nagtatrabaho roon. Sinubukan pa nitong tawagin ang babae, pero tuluyan na itong nakaalis sa drug store.
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
Ficción GeneralMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...