Chapter 56 Finale

8.8K 88 11
                                    

Pagkagaling nina Francine at Raymart sa mental hospital ay nagtungo naman sila sa ospital na kung nasaan si Miggy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkagaling nina Francine at Raymart sa mental hospital ay nagtungo naman sila sa ospital na kung nasaan si Miggy.

"Ayos ka lang ba, Francine?" tanong ni Raymart.

Tumango siya. "Ayos lang ako, Raymart. Napagod lang siguro dahil ilang araw na akong kulang sa tulog. B-but don't worry, makakapaghinga rin naman ako mamaya sa kuwarto ni Miggy."

Ngumiti si Raymart. "Do you want anything? Kanina kasi ay hindi ka man lang kumain ng kahit ano. Gusto mo bang ibili kita ng makakain?"

"Sige, Raymart. Medyo nagugutom na nga ako."

"O, sige. Hintayin mo na lang ako sa kuwarto ni Miggy. Mabilis lang ako."

Tumango namang muli si Francine sa kanya. Pagkuwa'y umalis na ito at iniwan siya.

Pagkarating ni Francine sa tapat ng kuwarto ni Miggy ay napansin niya ang doktor na naghihintay sa labas nito.

Nang lumapit siya ay kaagad itong tumayo at siya'y kinausap. "Mrs. Villamente, mabuti naman at narito ka na."

"Ano po iyon, Dok?"

"Your husband's condition is getting worse. Bumabagal na ang tibok ng kanyang puso, at ang blood pressure niya naman ay bumababa na. Para bang unti-unti na siyang sumusuko sa paglaban."

Bumilis ang tibok ng puso ni Francine. Nakaramdam siya ng pangamba sa kalagayan ng asawa.

"Kapag wala pa ring nangyaring improvement sa kanya within 24 hours, I hope you are mentally prepared. Maaaring bawian na ng buhay ang iyong asawa."

Doon na tumulo ang mga luha sa mata ni Francine.

Nang pumasok siya sa loob ng kuwarto ay dahan-dahan siyang lumapit sa walang malay na asawa. Kung anu-anong aparato ang nakasaksak sa katawan nito na siyang nagbibigay lakas sa nanghihina na nitong katawan.

Naupo siya sa tabi at kinausap ito.

"Miggy, naririnig mo ba 'ko? Please, huwag mo akong iiwan. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Huwag mo akong iiwan, Miggy."

Hinawakan niya ang isang kamay nito at inilapat sa kanyang pisngi. "Hindi totoong hindi na kita mahal. Hindi totoong ipinagpalit na kita sa iba. Mahal na mahal kita, Miggy. Kahit kailan, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa 'yo. Nasaktan lamang ako sa ginawa mo. Nakahanda akong patawarin ka at kalimutan ang lahat kung hindi mo 'ko iiwan. Paano na lang ang mga pangarap natin kung mawawala ka? Ikaw na lang ang mayroon ako, Miggy. I-Ikaw na lang ang mayroon ako sa buhay ko. Please Miggy, gumising ka na. Gumising ka na para makapagsimula na tayo ng bagong buhay."

At umiyak siya nang umiyak.

Ipinatong niya ang ulo sa tabi nito. Hindi niya binitawan ang kanang kamay nito habang patuloy siya sa pagmamakaawa na gumising na ito.

"Please Miggy, huwag mo 'kong iiwan. Gumising ka na. Mahal na mahal kita."

Then suddenly, habang siya'y umiiyak ay may naramdaman siyang humawak sa kanyang ulo.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon