Chapter 32

4.5K 48 1
                                    

"Bakit ba kasi hindi na lang kayo tumira ritong mag-asawa sa Laguna? Nagpapakahirap pa kayo sa pagkayod ng pera, e kayang-kaya ko naman kayong tulungan sa mga panggastos," sabi ni Miranda habang nananghalian sila nina Miggy, Francine at Vera sa ga...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ba kasi hindi na lang kayo tumira ritong mag-asawa sa Laguna? Nagpapakahirap pa kayo sa pagkayod ng pera, e kayang-kaya ko naman kayong tulungan sa mga panggastos," sabi ni Miranda habang nananghalian sila nina Miggy, Francine at Vera sa garden. Matagal niya nang isina-suggest na doon na tumira sa Laguna ang mag-asawa, ngunit hindi niya mapapayag ang mga ito.

"Mommy, hindi ba't napag-usapan na po natin 'yan? Alam nyo naman po na gusto namin ni Miggy na maitaguyod ang aming pamilya sa sariling sikap. Nakakaya naman po namin," sagot ni Francine.

"Ang sa akin lang, gusto ko na mas mapagaan ang buhay nyo. Hindi nyo naman kailangang magpakahirap ng sobra sa pagtatrabaho dahil may kaya naman tayo sa buhay. 'Tsaka hindi lang naman ako ang may gusto na tulungan kayo, pati na rin ang mga magulang nitong si Miggy. Nag-aalala kami sa inyo, ano? O, hindi ba't sinuggest nila noon na doon na kayo manirahan sa Singapore kasama sila? Pero ayaw nyo naman."

May kaya rin sa buhay ang mga magulang ni Miggy. Matapos na ikasal ang dalawa nila ni Francine ay niyaya sila ng mga ito na sumama sa Singapore para doon na manirahan. Napag-alaman kasi ng mga ito ang binabalak ni Miggy na mag-abroad at gusto nila itong pigilan.

Ngunit nasunod pa rin ang kagustuhan nina Miggy at Francine. Kakakasal pa lamang nila noon ay nagtrabaho kaagad si Miggy sa Kuwait. Gusto kasi nilang maitaguyod ang pamilya sa sariling dugo at pawis na hindi umaasa sa tulong ng kanilang mga magulang. Gusto nilang patunayan sa mga ito na kaya nilang mabuhay sa kanilang pagsusumikap.

Nagsalita si Miggy, "Huwag po kayong mag-alala, Mommy. Kapag kailangan namin ng tulong nyo ay hindi kami magdadalawang-isip na ipaalam sa inyo." Ngumiti siya sa mother-in-law. "Pero sa ngayon ay hayaan nyo na lang po muna kami. Magtiwala na lang po kayo dahil makakaya naman namin ito. Pareho naman po kaming kumikita ni Francine, so hindi po gaanong problema sa'min ang mga gastusin."

"Hay naku. Bahala na nga kayo sa mga buhay nyo. Napakahirap nyong pagsabihan."

Natawa ang mag-asawa.

"Pero infairness, nakaka-proud kayong dalawa, ah."

"Talaga, Mommy?" tanong ni Francine.

"Oo. Alam nyo kasi... may ibang tao d'yan na panay ang asa sa iba para mabuhay. Hindi ko nga alam kung saan sila nakakakuha ng kapal ng mukha at nakakaya nilang mabuhay ng gano'n."

Sa pananalita ni Miranda, obvious na si Vera ang pinatatamaan niya. Hinawakan ni Francine ang kamay ng ina at umiling-iling.

"Mommy..."

"O, hindi ba't totoo naman?" Tumingin si Miranda kay Vera. "Ano sa tingin mo, Vera?"

"Ha?" Napakamot si Vera sa batok.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"Ah, eh... pasensya na po, tita. Hindi ko po narinig, e. Ano po ba iyon?" pagkukunwari niya para inisin si Miranda. Alam niya na siya ang pinatatamaan nito. "Masyado kasi akong naka-focus sa mga pagkaing iniluto nyo. Napakasarap nyo po talagang magluto."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon