Chapter 14

7.2K 58 5
                                    

Nang pasakayin ni Raymart si Francine sa kotse ay inabutan kaagad niya ito ng towel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang pasakayin ni Raymart si Francine sa kotse ay inabutan kaagad niya ito ng towel. "O, heto. Magpunas ka muna ng towel. Basang-basa ka na. Baka magkasakit ka."

"S-salamat," nautal nitong sagot.

Nagpunas na rin muna si Raymart bago magsalita, "Ano ba kasing ginagawa mo rito? Mabuti na lang ay nakita kita, kundi ay baka kung ano nang nangyari sa 'yo."

"Ah, eh..." Nailang si Francine nang mapansing seryoso na nakatingin sa kanya si Raymart. Humarap siya sa ibang direksyon. "Ano kasi... umalis ako nang walang paalam sa 'min. Nag-away kasi kami ni Miggy."

"Tungkol ba iyan sa photography? Hindi ka na niya siguro pinayagan, ano?"

"Gano'n na nga. Tapos sinigawan pa niya ako at itinapon ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Kaya nga umalis muna ako sa bahay, para ma-realize niya na mali na ang ginagawa niya."

"Kayo talagang mag-asawa, oh."

Nag-umpisa nang magmaneho si Raymart.

Shortly after ay binago niya ang usapan. "Oo nga pala, saan ba ang punta mo? Saan mo ba balak na tumuloy ngayong umalis ka sa inyo?"

Saka lang naaalala ni Francine na nakalayo na pala sila sa sakayan ng van at FX. "Naku! Nakalimutan ko nga pala na sasakay ako sa van papuntang Laguna! P-pwede bang bumalik ulit tayo roon?"

Natawa si Raymart. "Francine, hindi bibiyahe ang mga van at FX ngayon."

"Gano'n ba?" Mas lalo tuloy siyang namroblema. "Diyos ko, ano na'ng gagawin ko? Hindi naman ako puwedeng bumalik dahil siguradong mag-aaway na naman kami ni Miggy."

"Alam mo, kung okay lang sa 'yo. Bakit hindi ka muna mag-stay sa bahay ko?" Biglang napalingon sa kanya si Francine. Natawa si Raymart sa reaksyon nito. "Huwag kang mag-alala, kasama ko roon si Ate Cecile. Wala akong gagawing masama sa 'yo."

"Huwag na, ano? Nakakahiya naman sa inyo. Ibaba mo na lang ako sa pinakamalapit na hotel diyan."

"E, 'di gagastos ka pa?" Napailing si Raymart. "Alam mo, huwag mo na akong tanggihan. Hindi ka naman iba sa 'kin. 'Tsaka lumalakas na ang bagyo. Baka kung ano pang mangyari rito sa bagong kotse ko."

"Bagong kotse?" Nanlaki ang mga mata ni Francine. "Oo nga. Mukhang bago nga ito."

"Oo."

"Wow! Asensado ka na. Dahil ba ito doon sa photography business?"

"Oo, matagal-tagal ko ring pinag-ipunan ito. Kailangang-kailangan kasi natin ng sasakyan kapag may client tayo. Napakahirap mag-commute."

"Kunsabagay..." Tumango-tango si Francine. "Kaya lang, pasensya ka na ah. Nabasa ko kaagad itong upuan ng kotse mo."

"Ayos lang. Madali namang linisin 'yan."

At ngumiti sila sa isa't-isa.

Makalipas ang ilang minuto'y nakarating na sila sa bahay ni Raymart. Simpleng up and down house lang iyon sa subdivision, pero napakaayos at para bang ang sarap tumira roon.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon